CHAPTER XXXVII - Bipolar

4.8K 56 13
                                    

CHAPTER XXXVII

“Uy best friend, asan na si Ren mo? Bakit wala pa siya? 30 minutes na siyang late huh!”- Heina.

“Oo nga Yuri. Nagugutom na ako.”- Daphney

“Ako rin…” pagsang-ayon naman ni Darlene.

Ano ba naman to oh, bat sa akin nila to sinasabi? Eh ano ba naman ang alam ko kung bakit wala pa si Jin Ren ko? -____-

teka nga, bakit nga ba wala pa siya? Hmmnn…

“Maghintay na lang tayo ng saglit pa at darating na yun.” Sagot ko sa kanilang lahat.

“Baka naman alam mo kung san siya nakatira nang sa gayon tayo na lang ang pumunta sa kanya?” nagtatanong na parang nagpapahayag ng katotohanan na sabi ni Jake.

Oo nga pala, andito nga pala kami ngayon sa J Square, dito kasi ang meeting place namin papunta sa bahay nina Jin Ren ko kasi nga dun namin gagawin yung baking-baking churva na yun.. At syempre noh, kahit naman alam ko kung  saan ang bahay nina Jin Ren ko ay di ko pwedeng sabihin sa kanila noh, secret yata namin yun.. at ayoko namang magalit na naman sa akin si Jin Ren ko lalo na’t masayang-masaya na ako sa mga nangyayari sa amin ngayon. Hehe

well hindi pa naman kami… pero sa mga nangyayari sa amin ngayon eh masasabi kong parang KAMI na nga! Hahaha!! JOKE lang!

well, masaya lang naman ako kasi di na siya naiinis sa akin at saka pansin ko lang din, ang bait-bait na niya talaga sa akin although may konting pagkasungit pa rin (tingin ko nasa dugo na talaga niya ang pagiging masungit, hehe). At saka di lang yun. Minsan ang sweet-sweet niya sa akin. Gaya na lang kahapon, hinatid niya ako pauwi matapos naming manood ng sunset, di lang yun… pinagbuksan pa niya ako ng pinto ng sasakyan niya.

WAAAAAAAHH!!! Ok, ako na naman ang kinikilig.

“Huy Yuri… anong nangyari sayo?” nagtatakang tanong ni Jake sa akin habang kumakaway-kaway pa ang kaliwa niyang kamay sa harap ng mukha ko.

“H-huh? Ano ulit yung sabi mo?” lutaw na tanong ko sa kanya.

“Hay naku! Nagmumuni ka na naman diyan best friend!” singit pa ni Heina.

I'm Courting Mr. ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon