Chapter LVIII (Part 1)

2.6K 58 18
                                    

Chapter LVIII (Part 1)

**YURI’s POV**

(2 days after)

“Haaaaaaay!” I sighed sa sobrang pagod. Alas syete na ng gabi simula nung makauwi ako sa bahay. Pag-uwi ko ay agad akong sumalampak sa malambot at malawak kong kama. Kung nagtataka kayo bakit hindi na ako nag-abalang batiin pa si Papa, yun ay dahil wala siya rito sa bahay ngayon. Marahil ay abala na siya sa pag-aasikaso sa business niya.

“Tomorrow is a one hell of a day.”sabi ko sa sarili. Bukas na kasi ang school festival namin, kaya nga pagod na pagod na naman ako ngayon pag-uwi ko.

Siya nga pala, kung nagtataka kayo kung hinahatid na ba ulit ako ng mahal ko, aba’y oo! Balik na ulit kami sa dati. Nagpapahatid na ulit ako, pero yun ay kung wala si Papa rito sa bahay. Syempre, inaalam ko talaga muna kung nasa bahay ba si Papa o wala sa pamamagitan ng pagtatanong sa aking partner-in-crime na si Nanny. Hehe

Pero kani-kanina lang ay hindi na ako nagpahatid pa kay Jin Ren ko. Alam ko kasing gagabihin kami ng uwi, kaya naman ayaw ko na rin siyang paghintayin pa ng ganoon katagal. Sa totoo niyan ay nagpumilit pa siya  na ihatid  ako pauwi, ngunit syempre… masyadong concern ang lola niyo kaya naman pinauwi ko na siya.

Ay oo nga pala! Katext ko nga pala yun. Baka naman kanina pa yun nagreply nang hindi ko man lang namamalayan.

Sa totoo lang, we’re in the middle of an argument. Paano ba naman kasi, sinabi ko sa kanya na ‘Yuri ko’ na ang itawag niya sa akin. Kaya lang ang KJ nig lolo niyo. Ang daming rason, kesyo baduy raw, corny, hindi maganda sa pakinggan… ay ewan!  

Kinuha ko na ang cellphone ko dun sa loob ng sling bag ko para i-check kung may reply nga ba. Pagtingin ko, wala naman.

“Hmmn… Umiiwas na naman kaya yun sa usapan namin kaya ini-snob na naman niya ang mga messages ko?” medyo naiinis na tanong ko sa sarili ko.

Matagal na simula nung pinadalhan ko siya ng message pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagrereply. Denial ko na ang number niya at sinubukan siyang kontakin, ngunit sa kasamaang palad, hindi ko siya makontak.

“The subscribers cannot be reached please try…”

Nakailang tawag na ako pero yun lang ang parating sinasagot ng cellphone niya sa mga tawag ko.

“Aba naman at ayaw pa akong sagutin ah!” naiinis na reklamo ko sa sarili ko.

Tinignan ko na lang ang wallpaper ng cellphone ko which is of course, picture ng mahal ko.

“Jin Ren ko… bat di ka sumasagot?”nag-aalala kong tanong sa sarili ko. Sinubukan ko ulit siyang tawagan ngunit di pa rin talaga siya sumasagot.

“Baka naman battery empty na siya at nagcha-charge? Tama! Siguro yun nga ang dahilan kung bakit di siya sumasagot.” Pangungumbinsi ko sa sarili ko.

I'm Courting Mr. ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon