CHAPTER XXII - Jealous

6.6K 98 12
                                    

CHAPTER XXII

**YURI's POV**

Nanatili pa rin akong nakatayo rito ngayon habang ang luha ko eh patuloy pa rin sa pag-agos.

May iilan sa mga kaklase ko ang nilapitan ako at pilit na kino-comfort ako. Yung iba naman na walang pakialam at nag-enjoy lang kanina sa panonood ng away namin ay kasalukuyang nagsibalikan na sa kani-kanilang mga "monkey business."

Pero wala akong pakialam ni isa man sa kanila, basta ang tanging alam ko lang sa mga sandaling ito ay tuluyan na nga akong kinamumuhian ng taong mahal ko. Hinde lang pala basta mahal, kundi pinakamamahal ko.

“Ayos ka lang?”-tanong sakin ni Daphney, isa sa mga kaklase ko na lumapit sa akin matapos maganap ang eksenang iyon.

Binatukan naman siya ni Darlene, ang kakambal niya na kaklase ko rin.

TOINK!(sound effect po yan ng pagbatok!HAHA, sensya na di ako marunong)

“ARAY KO!”pag-angal ni Daphney sabay himas ng ulo niya.

“Tanga ka ba? Kita mo na ngang umiiyak na yung tao tapos tatanungin mo pa ng “ayos ka lang?”  at ginaya pa talaga ni Darlene yung boses ni Daphney.

Tong kambal na to oh, kita na nga nilang nag-eemote ako rito tapos dito pa sila sa harap ko nagbabatukan.

Sa wakas at tumigil na rin ako sa pag-iyak . Pero di ibig sabihin na hindi na ko umiiyak eh okay na ako.

Pinahid ko na yung mga luha sa mukha ko, saka kinausap yung dalawa.

“Ayos lang ako” sabi ko sa kanila saka binigyan sila ng pilit na ngiti. Tapos nun eh naglakad na ako papunta sa upuan ako. Narinig ko pa talagang sinabi ni daphney kay Darlene na, “Sabi ko sayo eh, ayos lang siya.”

Sana nga, sana nga eh ayos lang ako. Pero hinde eh, ang sakit na nararamdaman ko ngayon eh walang sino man ang makakatanggal nito.

Nang makaupo na ako eh agad ko namang nilublob ang ulo ko sa bag.

Ilang minuto na kong nakaganito pero di ko pa rin naririnig ang pagdating nina Ren at nang malanding Kaycee na yun.

San kaya dinala  nang babaeng yun si Ren??

Nagpalabas na lang ako ng isang malalim na “sigh” sa pagitan ng pagkalublob ko.

“KYYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH” sigaw ng mga kaklase kong babae.

Siguro andiyan sina Alexis at Raven kaya maingay ang mga yan.

Di ko na lang sila pinansin. Tutal di naman ako ang kailngan nila eh, baka hinahanap nila si Ren.

Naramdaman kong may lumapit sa akin,pero di naging dahilan yun upang iangat ko ang aking ulo.

Wala akong pakialam sa mga oras na to, ang tanging gusto ko lang ay ang magpahinga.

Ngunit tila di yata ako makakapagpahinga neto dahil ang ingay-ingay ng mga kaklase kong babae kakalandi dun kila Alexis.

“Natutulog na yata siya.”rinig kog sabi ni Darlene.

“Hindi yan, tara gisingin natin.”

“Wag na, halika na.”saway naman ni Darlene.

Hayyy, heto na naman tong kambal na to oh. Dahil ramdam na ramam ko na naghihilahan na sila eh inangat ko na lang ang ulo ko at tinanong sila.

“Bakit?”tanong ko.

“Ah-eh”--Darlene

“Sabi ko sayo di yan natutuulog eh.”dinig kon bulong ni Daphney kay Darlene sabay siko pa.

I'm Courting Mr. ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon