CHAPTER XVII - Devil Beside Me

6.2K 81 8
                                    

CHAPTER XVII

**HEINA's POV**

Naiinis...

Naiinis ako sayo Alexis Meyer...

Sinusumpa kita! Sana mamatay ka na. Bweset ka!

Anong nginingiti-ngiti mo diyan huh? Demonyo ka!

"Ah- hindi... Hindi na, hahanap na lang kami ng ibang mauupuan. At saka mukhang di rin naman okay kay Ren eh." Pagtatanggi ko dun sa alok niya habang pilit na mahinahon siyang kinakausap.

Ginamit ko na lang si Ren na di okay sa kanya na maki-share kami ng table, dahil alam ko namang di pa rin nagbabago yan eh. I'm sure, masungit pa rin yan.

Heller, napakaimposible kaya, na ang isang gaya niya ay biglang babait sa isang iglap lang. Ang sama ko ba? Oh well, ganun naman talaga siya eh.

"Halika na bestfriend." tapos hinatak ko na si Yuri.

"Ah-eh.. t-tek----"- Yuri na pilit pumalag.

"Ayos lang sakin."

Bigla akong napahinto sa paglalakad at lumingon sa kanila nang marinig kong nagsalita si Jin REn.

Ano raw ulit ang sabi niya?

Nabibingi na ba ako?

Seryoso ba siya?

Crap! Talaga bang bumait na siya?

HINDEEEEEEE!!!!

Hindi maaari to.

Pumayag siya, ibig sabihin wala na kong magagawa kundi ang makasabay sila sa pag-lunch.

Pero ayoko.. lalong-lalo na at nandiyan ang demonyong cassanova na yan! Bad trip ka Ren, sana di ka na lang bumait!

"Oh bestfriend, ayos lang pala sa kanya eh. Halika na!" this time si Yuri naman ang humatak sakin. At ang lapad-lapad pa ng ngiti niya huh.

Eh.. naiinis talaga ako. For sure bad day na naman to para sa 'kin. >____<

"Dito ka oh, upo ka dito sa tabi ko." Sabi ni demonyong cassanova at nag-evil smile pa huh. Kainis, demonyo talaga!

Tinignan ko si Yuri at aba, nakaupo na siya agad dun sa tabi ni Ren. Ang babaeng to talaga minsan oh, haisst..

Wala na akong nagawa pa kundi ang umupo na lang sa tabi niya.

God, help me... pahabain niyo pa po ang pasensya ko, because later on I might kill this devil beside me.

Naiirita kasi talaga ako sa kanya. Lalo na pag ngumingiti siya ng nakakaloko.

Kainis! Ang sarap i-mighty bond ang lips niya para di na siya makangiti!

Bali ganito ang position namin- sa isang side ng upan ng table eh sina Yuri, Ren, at Raven.. tapos sa kabilang side naman eh syempre ako lang at ang demonyong cassanova na to!

Hayy, para di ko na lang iisipin na may demonyo akong katabi rito ngayon at para makaalis na ko rito eh mas mabuti pa kung bibilisan ko na lang ang pagkain ko ng lunch.

Tama! Yun nga ang gagawin ko. para na rin di ko na sila makausap.

At yun nga ang ginawa ko. Binilisan ko na ang pagkain ko para makaalis na ako sa impyernong lugar na to! >___<

"Mukhang di ka na naiilang ngayon kumain huh. Ang takaw-takaw mo talaga kahit kailan. Oh hinay-hinay lang sa pagsubo, baka mabulunan ka." sabi ni Demonyong Cassanova sakin gamit ang mapang-asar na tono niya.

Anong sabi niya?

Matakaw?

Sino?

Ako ba ang tinutukoy niya????

I'm Courting Mr. ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon