Chapter 20.1.2

391K 4K 173
                                    

CHAPTER 20.1.2


ADISON

Hindi ko namalayan ang ilang araw na nakalipas, pero pakiramdam ko ay nagunaw na rin ang mundo ko. Hindi na rin ako makaiyak dahil naubos na rin yata ang luha ko. Hindi ko rin nakakausap si Ate dahil mas madalas siyang umaalis nitong mga nakakaraang araw.

I haven't heard from Sebastian since then.

He never called me... not even once.

Ganito pala ang pakiramdam. 'Yung feeling na bigla ka na lang binalewala ng taong mahal na mahal mo. Ganito rin ang naramdaman ni Sebastian noon kay Ate. At ngayon nararamdaman ko na rin. But I can't blame them dahil ako ang naging dahilan nang paghihiwalay nila...

Ako...

"Hey..."

Noon na lang ako bumalik sa wisyo at mapait na tiningala si Matt. Malungkot ang mga mata niya habang nakatitig sa akin. Tahimik siyang naupo sa aking tabi at para bang nananantiya. Nitong mga nakaraang araw ay nakita rin niya akong iyak nang iyak. Sobrang bigat sa pakiramdam kaya't naikuwento ko sa kanya ang aking natuklasan. Wala siyang sinabi at hindi niya ako sinisi. Ipinaramdam lang niya sa akin na hinding-hindi siya mawawala sa tabi ko kahit na kailan. At kahit papaano ay medyo nababawasan ang bigat ng dibdib ko sa tuwing kasama ko siya.

"Hey..." Tipid akong ngumiti.

Mabuti na lang at kahit pa hindi ako masyadong nakakapag-aral ay maayos pa rin ang mga grades ko. Buti na lang matalino ako... Haist...

"Nag-iisip ka na naman ba?"

Mapait lang akong ngumiti. He's a good friend. I knew that I couldn't hide from him kahit pa nagtalo kami noong nakaraang araw.

"Magse-sem break na, a. Any plans?" masiglang tanong pa niya. Alam kong gusto lang niyang iligaw ang isip ko. Buti na lang din at kasama ko siya.

"Uuwi kami ni Ate sa probinsya..."

"Nag-usap na kayo?"

Umiling ako. Kulang na nga lang ay hindi kami magkita. Parang crowded din ang utak niya at palagi rin siyang gabi umuwi. Hindi ko naman siya matanong kung saan siya pumupunta dahil natatakot ako sa kanyang isasagot. Baka kasi nagkabalikan na pala sila ni Sebastian ay hindi ko pa alam.

"Hey..." Banayad na dumapo ang kanyang mga daliri sa aking pisngi at noon ko na lang napagtantong umiiyak na naman pala ako.

"S-sorry..." emosyonal ko pang sabi at kahit na nagawa kong ngumiti ay parang dinudurog naman ang puso ko.

Sa halip na magsalita ay niyakap lang niya ako nang mahigpit na mahigpit. Mabuti na lang at kasama ko pa rin si Matt. Buti na lang kaibigan ko pa rin siya. Buti na lang.

Nang umuwi ako sa apartment noong around 6:30 p.m. ay wala pa rin ang Ate ko. Pakiramdam ko tuloy ay wala akong kasama rito. Parang hindi rin siya umuwi or maybe... Mariin akong pumikit at pinaglabanan ulit ang mga luhang nagbabadya na naman sa aking mga mata. Just the thought that she's with Sebastian kills me.

Mga around nine o' clock noon nang parang may pumaradang sasakyan sa harapan ng apartment. Sumilip ako sa bintana and surprisingly, si Sebastian pala 'yun.

I missed him so much.

But the sight of my Ate with him broke my heart into million pieces.

Sila na ba ulit?

Wala man lang bang magsasabi ni isa sa kanila nang tungkol sa mga nangyayari?

Wala man lang ba?

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon