Chapter 8.3.3

475K 6.1K 175
                                    

A/N:

Pagpasensyahan n'yo na 'yung way nang pagsulat ko. First time ko magsulat full spg... Jeez... nalulukring pa rin ako. Mabilis lng sana ud nito, pero di ko kasi alam kung nagagandahan ba kau Bwahaha! So, mabagal na ud na lang. hahaha! Oks na rin 'yun at mahabang time mag-isip Bwahaha! Alanganin pa rin ako rito LSG, pero nasa ika 200 page na ako! And shocks, wala pa highlights... Kung sumahin 2 books na cguro to 'no. Size 9 lang font, e, single space at Lucida. O 'di ba ang haba?! Bwahaha oh well, salamat na rin sa pagbabasa.

********

CHAPTER 8.3.3

ADISON


Nang makatapos ang klase namin sa hapon ay tumuloy na rin kami ni Matt sa aming dinner. Maaga pa lang ay nag-text na ako kay Sebastian, kaya lang ay hindi naman siya nag-reply. Sobrang busy siguro.

Sa isang fast food restaurantlang kami nagdesisyong kumain. Actually, lakas makabata nitong mokong na 'to, believe it or not, Jollibee ang favorite niyang kainan. At favorite rin niya ang chicken. Hindi na rin naman na ako nagtaka. Mababaw lang naman ang kaligyahan niya.

"Uy, pasensya ka na, wala man lang akong gift sa'yo. Pahabol ko na lang sa susunod na araw, huh."

"Kahit huwag na!" mabilis na tanggi pa niya." 'Di naman kailangan,'no!"

"Naku, kailangan,'no! Ikaw nga itong palaging may ibinibigay sa akin kahit hindi ko birthday." Iyon naman kasi ang totoo. Kahit walang okasyon ay kung anu-ano ang mga ibinibigay niya. At dahil alam niyang mahilig ako sa chocolates, palagi niya akong nirarasyunan!

"Bilisan natin ang kain. Gumagabi na..." Wala ako sa sariling sinilip ang aking cellphone.

Wala pa ring reply man lang kay Sebastian. Impossible namang hindi pa niya nababasa ang text ko? Hmp! Wala yata talaga siyang pakialam sa akin!

"Ihahatid naman kita sa apartment mo." Nangingiting kumindat siya sa akin.

Oh, shit. On the way nga rin pala ang apartment ni Nicole sa uuwian niya. Naku, 'wag naman sana akong mabuking ng kolokoy na 'to! For sure, sangkaterbang sermon din ang aabutin ko sa kanya!" Sino na nga pala ang kasama mo r'on?"

"Huh, e, ako lang."

"'Wag kang magsasama ng lalaki d'un," seryoso pang sabi niya habang matamang nakatitig sa akin. "Mahirap na," dugtong pa niya na muntik pang makapagpasamid sa akin.

I am so dead if he finds out.

"Sabi ko nga. Kaya nga hindi mo na ako kailangang ihatid at lalaki ka," palusot ko pa.

"Except me. Kilala mo ako at alam mong hindi kita gagawan nang masama," nakaismid pang sagot niya atalanganin naman akong napangiti.

No choice.

Kailangan ko talagang dumaan sa apartment or puwede rin naman sigurong doon na muna ako matulog at mag-text na lang ulit ako kay Sebastian.

Kaya naman lumipas ang oras at halos nalibang na rin kami sa pagku-kuwentuhan ni Matt. I've missed his company. Lately kasi ay sobrang busy rin niya at member siya ng kung anu-anong student organization. Gan'un siya ka-active sa school. Iyon nga lang, kataka-takang wala pa rin siyang girlfriend sa kabila nang kagwapuhan niya. Wala naman sa aura niya ang bading at may pagka-bad boy pa nga siya mag-aasta.

Halos nineo'clock na rin yata noon nang maihatid niya ako sa apartment. Talaga namang nakabantay siya hanggang makapasok ako sa loob. Oh well, protective na rin naman siya kahit noon pa so, hindi na bago sa akin ang ipinapakita niya. Though ang sabi ni Nicole, mahal daw ako ni Matt hindi bilang kaibigan lang. Medyo ang hirap paniwalaan n'on kasi wala naman din siyang sinasabi.

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon