Chapter 30.1.2

379K 3.7K 95
                                    

Dedicated to you, Reign!  God bless po! :)

<3 ate dean

********

CHAPTER 30

SEBASTIAN

Matapos kong malaman ang mga impormasyon galing kina JR at Spencer ay mas lalo akong napuno nang pag-aalala para kay Adison, pati na rin sa pamilya ko. Puro maimpluwensyang tao sina Don Pablo at Wayne. At hindi ko alam ang kapasidad nila. Nagpadala na rin ako ng security na magbabantay sa parehong pamilya namin. Wala akong ibang pagpipilian dahil kailangan kong protektahan lahat ng mga taong malapit sa amin ni Adison.

Nang mga sumunod na buwan naman ay naging maayos pa rin naman ang buhay may-asawa namin ni Adison.

It wasn't a happily ever after between the two of us.

May mga misunderstanding pa rin kami along the way. Knowing how stubborn she could be at times. Sa tingin ko pa nga ay mas nadoble ang tigas ng kanyang ulo. Alam kasi niyang mahal ko siya kaya't parang mas naninikis pa siya.

Today is her graduation.

Ang alam niya ay hindi ako makakarating dahil sa isang importanteng business trip. I wanted to surprise her so, I needed to make that up. Though wala naman talaga akong ini-scheduled na meeting dahil matagal nang nakareserba ang petsa na ito sa akin.

On my hand is a bouquet of flowers. This is the first time na bibigyan ko siya nang ganito after several months of getting married. Jeez, nababaduyan nga ako sa sarili ko, pero alam kong gusto rin niya ang ganitong mga sorpresa.

Hindi ko naman matitiis ang asawa ko.

By the time na tinawag na ang pangalan niya sa stage ay tsaka na lang ako lumabas sa pinagtataguan ko at doon sa pagbababaan niya ay agad ko na siyang inabangan.

The moment she saw me, her jaw dropped.

Her reaction was indeed phenomenal!

Jeez, Baby, I would do anything for you.

"S-ebastian?" mangha pang tawag niya na akala mo ay nakakita ng multo.

"Congratulations, my wife," nakangiti ko pang sabi at agad na lumapit sa kanya. Hinalikan ko siya nang mabilis sa labi at muling tinitigan ang kanyang mukhang bakas pa rin ang pagkagulat at kaligayahan. "Flowers for you..." Inabot ko ang pinaka-espesyal na bouquet of roses.

"T-hank you..." she said, teary eyed.

"Ssssh..." Muli ko siyang hinalikan sa labi para mapigilan siya sa pag-iyak. It actually works dahil napigilan niya ang pag-iyak.

"Ang daming tao..." Sinamaan niya ako nang tingin at ngumuso.

"I don't care, Baby. You are my wife," nakangiting sagot ko naman.

"Yeah, right. I'm going back to my seat first," she said, biting her lip.

I knew she's happy.

"And thanks for the flowers..."

"You're welcome, Baby. I'll catch you later. I love you..."

"I love you..." pabulong rin namang sagot niya at bumalik na nga muna sa upuan niya.

Ako naman ay lumapit muna sa kinalalagyan ng aking mga biyenan. It's kinda awkward bonding with them since I never really had the chance to talk to them that much. And yes, with Brianna around, mas awkward.

"So, kumusta na kayo ni Ady?" tanong pa ni Brianna.

She looked a little lifeless. Mas pumayat siya at humpak ang pisngi. Still, pretty pa rin naman siya. Hindi nga lang kasing pretty ni Adison.

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon