Chapter 11.1.4

520K 5.1K 156
                                    

CHAPTER 11.1.4

ADISON


Matapos naming magbati ni Sebastian noong nakaraang araw ay sobrang smooth na ulit ang pagsasama naming dalawa. Oh well, I am always looking forward making love with him.

I must have been falling in love.

Hmm... I am not sure, but I never felt anything like this before. Ang worry ko lang ay kung gan'un pa rin ang tingin niya sa akin. Isang sexual partner lang? I'd be willing to do everything to make him fall for me and eventually love me. At sana dumating rin ang time na mahalin niya ako. Puwede namang mangarap, 'di ba?

I smiled with my reflection on the mirror. Gumagayak na ako para sa party na pupuntahan naming dalawa. I felt happy dahil isasama niya ako. Napagkuwentuhan kasi namin ni Tita Norma na never pang nagsama ng babae si Sebastian sa kahit na anong function na pinupuntahan nito. Bigla tuloy akong na-excite dahil kung tutuusin pala ay ako ang first ever date na ipapakilala niya sa kanyang mga friends at business partners.

"Baby, are you done?" Sumilip siya sa may pinto looking adorably gorgeous! At kahit pa parang pare-parehas lang naman ang mga damit na isinusuot niya, he's still very good looking.

"I think so..." Pumihit ako at nahihiyang humarap sa kanya. Hindi naman ako sanay magsuot nang ganitong kagagarang damit. Long night gown siya na kulay fuchsia. Halter dress and bare back. Naka-bun din ang aking buhok para lalong ma-emphasize ang balat sa aking likod.

"Wow..." usal pa niya nang namimilog ang kanyang mga mata. Hindi ko maiwasang matuwa sa kanyang reaction. "You look stunning, Adison." Mataman pa niya akong tinitigan mula ulo hanggang paa. "It's only that-" Napangiwi siya nang nang matitiganang aking likuran. "It's too bare at the back..."

"You didn't like it?"

"It's beautiful, Baby. You're so beautiful on it. Let's just wish na hindi ako makapatay sa party because they couldn't stop themselves from ogling you." He ran his thumb across my cheek bone. I shivered in response.

"I don't ever want you to do that Sebastian." I curled my hands around his neck and gave him a peck on his lips. "Thank you sa pagsama mo sa akin today, huh."

"Yeah..." Tumangu-tango siya at hinapit lang ako sa baywang. "I don't want to be paired with anyone today."

"Hmmm..." iyon lang pala ang rason. Haist...

"We should go."

"S-sige..." Tumango lang ako at hawak kamay kaming lumabas ng kwarto.

Isang oras rin ang naging paglalakbay namin papunta sa mansion ni Don Pablo. Maraming de kalibreng mga bisita ang nakadalo. Hindi ko naiwasang makaramdam nang panliliit sa mga babaeng lumalapit kay Sebastian. Sa asta pa lang ay bakas na ang pagiging kabilang nila sa mayamang pamilya. Hindi rin maikakaila ang kanilang ganda na humihigit pa sa aking hitsura.

"You look nervous," puna pa ni Sebastian.

"Ganito pala kasosyal ditto," naiilang na sagot ko.

"Relax, Baby," malambing pang aniya sabay pisil sa aking kamay.

"'Wag mo ako iiwan, huh," mahigpit na bilin ko pa sabay kagat sa aking labi. I am so nervous.

"I won't. Only please-" Hinawakan niya ang akingbaba at tinanggal ang pagkaka-kagat ko sa aking labi. "Stop biting your lip. You're distracting me."

"I am?" Kumunot ako at ngumuso. Ibang klase talaga 'tong lalaking 'to.

"Yes..." Nakangisi siyang tumango at pasimpleng bumulong. "We don't want to get dirty here."

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon