Chapter 25.1.2

395K 3.8K 121
                                    

Dedicated to you, Flor! Buong chapter 25 puro sa'yo hahaha! Kunwari 'di tayo magkakilala hahaha! Oh well, salamat at nagtiyaga ka ring magbasa nito kahit 'di kagandahan pati na rin ibang stories ko ;)  Since, isa ka na ring wattpaders (tama ba itong pinagsususulat ko? lol)  May libre kang jacket at cd!!!! Bwahahaha Love you, sissy.  Akalain mong dito tayo magkakasundo nang husto! Apir tayo jan! Mwaaaaaaah!  Ingat u out there (outer space lang lol)  XD

********

CHAPTER 25.1.2

SEBASTIAN

It's been days after my proposal of marriage to Adison. I am still hurting a little, pero naiintindihan ko rin naman ang point niya. Sigurado lang naman din ako sa sarili ko na siya na talaga ang gusto kong makasama sa buhay ko. Ipinaparamdam din naman niyang gan'un siya sa akin, pero iyon nga lang ay hindi pa ito ang panahong iyon para sa kanya.

Gumagayak na ako papunta sa Tagaytay Highlands for a business mingling that Wayne has invited me before. I'm using my helicopter and its better this way dahil thirty minutes lang ang mako-consume namin papunta d'un. This time ay si Raul naman ang isinama ko. Mas gusto ko kasing nakatutok si Spencer kay Adison lalo pa nga't hindi pa namin alam kung ano ang involvement ni Matt sa letter na nakarating kay Adison.

Yes, it's Matt. Sa nakita namin sa CCTV, siya ang nagsingit ng sulat patungkol sa akin sa nakasarang pintuan ng apartment ni Adison. It was the day before Adison came home from Bataan. Still, it wasn't enough proof para sabihing siya na talaga ang involved so, we're waiting for further updates from the private investigator that Spencer hired for a background check about him. He's been with Adison for quite a while now, kaya medyo hesitant pa rin ako kung involved ba talaga siya sa gulo sa buhay ko.

Jeez, my life was simply full of shit.

It is around 6:30 p.m. nang makarating kami sa Tagaytay. Saktong nand'un na rin sina Wayne at Don Pablo na magkasama na rin sa iisang table. Marami ring mga successful businessman ang kasama namin d'un. May mga baguhan na ngayon ko pa lang din nakita. Mayroon din mga foreign and local investors.

Yeah well, I need business mingling. It's good for me.

"I'm glad that the most successful, the richest and youngest business tycoon in Asia is here!" I suppressed myself from rolling my eyes. He definitely loves attention, but fuck, I hated it. If I could only punch him in the face.

Pasimple ko siyang sinamaan nang tingin at bahagyang umiling. It's not that I am not proud of the title. I just hate getting too much attention. My name almost symbolizes power in the business industry. And who wouldn't want to rub elbows with me? Like what is going to happen right now. Matapos kasing marinig ang introduction na iyon ni Wayne sa mga nakapaligid sa amin ay siya ring dagsa nila para makipagkamay. Ngingiti-ngiti naman si Wayne sa akin at nag thumbs-up pa!

Asshole.


Adison

Panay ang tingi ko sa oras at hindi ko maintindihan kung bakit kanina pa ako hindi mapakali. Hindi na kasi nagparamdam si Sebastian sa akin matapos noong huling text niya nang paalis na siya sa Tagaytay. Sabi ni Spencer, thirty minutes lang daw ang travel time. Pero anong oras na? Halos more than an hour na, pero wala pa ring Sebastian ang nagpaparamdam. Cannot be reach din ang kanyang cellphone kaya't hindi ko maiwasang kabahan. Wala naman sanang masamang nangyari sa kanya.

"Spencer, nakontak mo na si Raul?" nag-aalalang tanong ko pa. Shit. Hindi talaga ako mapalagay.

"Hindi rin po, Ma'am, pero may mga kinokontak na po kami. 'Wag po kayong mag-alala," sabi pa niya, pero parang iwas naman ang mga tingin.

At papaano ring hindi ako mag-aalala kung kitang-kita kong tensyonado siya. Kung sinu-sino na nga ang tinatawagan niya kanina pa. Wala naman akong maintindihan sa mga pinagsasasabi niya kasi para rin siyang nagsasalita in codes. I don't know. Basta parang gan'un.

Ngayon ko lang din naman nakitang gan'un ka-tensyon si Spencer. Most of the time ay super cool lang niya at nananahimik lang sa isang tabi.

Nang mag ring ang phone ay halos mag-unahan pa kami sa pagsagot. Pero ipinaubaya ko na rin sa kanya dahil sumenyas kaagad siya sa akin na siya na ang sasagot.

Nang sinagot naman niya iyon ay halos wala rin akong makuhang impormasyon. Puro yes at no lang ang mga isinasagot niya.

Jeez, ano bang nangyayari?!

"Sige po, Sir, tingnan ko po."

Mabilis pa niyang kinuha ang remote ng t.v. at binuksan iyon. Saglit siyang nag-scroll ng channel at nang huminto sa balita ay halos manlamig na ang aking buong katawan.

Oh God... Sebastian is on the news...

Hindi ko na naintindihan ang kabuuan ng mga balita dahil pakiramdam ko ay biglang huminto ang mundo ko sa pag-ikot nang ipinakita ang helicopter ni Sebastian. It's a total wreckage and still on fire!

"Ady..." si Norma na halos manginig din at umiiyak na.

"That's not him! It can't be him!" I tried so hard not to cry, but my eyes betrayed me. Namanhid ang buo kong katawan at nahirapan akong huminga!

"Ma'am Ady!"

Iyon na lang ang sigaw na narinig ko and everything turned dark.

"Sebastian... Please don't go..." I begged.

I think I was crying so hard that I couldn't feel my eyes anymore.

Nakahiga si Sebastian sa hospital bed with blood all over him. His beautiful face badly burnt...

Broken bones...

Lifeless...

"Oh my God, Sebastian... Please, don't leave me..."

As much as I wanted to touch him, Tita Norma and Spencer was holding me in both arms. Hindi ko na rin maramdaman ang mga paa ko at alam kong anytime ay babagsak na naman ako.

"A-adis-son..." Bahagya pa niyang idinilat ang kanyang mga mata. He sadly smiled as his tears wet his face.

"Baby, I'm here..."

Mabilis akong kumawala sa hawak nina Tita Norma at Spencer at lumapit nang husto sa kanya. I wanted to touch him, but I'm afraid I might hurt him more.

"I-i... l-love...y-you..." he murmured.

Halos parusa ultimo ang pagsasalita.

My heart is a total wreck.

"Don't talk... I am here... I l-love you..." I tried to sound brave, but my tears just keeps on coming.

Naninikip na ang dibdib ko sa kakaiyak, but no, I can't pass out now. I needed to be strong for him. I need him.

I can't live without him.

He held my hand tightly and then huminga siya nang malalim...

Hinihintay kong masundan ulit ang kanyang paghinga, pero hindi na niya ginawa!

Oh no! No! No! NOOOOOOOO! ! !

"SEBASTIAN, NOOOOOOOO! ! !"


LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon