Chapter 36.4.4

323K 3.9K 120
                                    

CHAPTER 36.4.4

ADISON

Panandaliang nawala sa paningin ko ang aking asawa na noo'y abala sa pagtawag sa cellphone. Hindi ko alam kung sinu-sino ang mga kausap niya, pero nasisiguro kong isa si Spencer doon. Nang matapos siya ay tinulungan na rin niya akong ligpitin ang mga gamit namin.

"I'm sorry if na-spoil ang vacation natin," malungkot pang aniya.

"Sino bang may gustong mangyari 'to, 'di ba?" Panandali muna rin akong tumigil para yakapin siya.

"Naaawa lang ako kay Winona..."

"Oo nga... Kawawa ang mga anak nila..."

"Is it really okay kung tayo muna ang mag-alaga sa mga anak niya for the meantime?" Mataman pa niya akong tinitigan.

"Oo naman... Kaibigan mo rin naman si Winona, 'di ba?"

"Sorry kung hindi yata pahinga ang nangyari sa bakasyon nating dalawa."

"Jeez, Baby... Will you stop apologizing? I'm fine okay. 'Wag ka na nga mag-isip pa diyan." Umismid ako at ipinagpatuloy na ulit ang pag-aayos ng mga gamit.

Hindi rin naman nagtagal ang pag-aayos namin at agad na rin kaming bumaba sa unang palapag. Naabutan namin ang mga magkakapatid na seryosong nag-uusap sa sala. Isa-isa pa silang lumapit sa amin at humingi nang paumahin.

Matapos ang maikling paalaman ay lumabas na kami sa villa at naabutan namin si Spencer na nag-aabang na sa amin. Sabi ko na nga ba, nasa malapit lang si Spencer. Tipid lang siyang ngumiti at agad na kinuha ang mga maleta namin. Kasunod na rin namin noon si Winona na buhat-buhat ang tulog na tulog na si Chloe. Habang akay naman ni Kurt si Xander na tila nagising lang.

"Kayo muna ang bahala sa mga anak ko, huh... Promise, sandali lang 'to. Ayoko lang makita nila ang hitsura ng Daddy nila." Si Winona na mugtung-mugto na ang mga mata kakaiyak.

"We'll take care of the kids, Ona." Niyakap ni Sebastian si Winona. "Just give us a call, okay?"

Tumango naman si Winona bago pinaghahalikan ang kanyang mga anak. Ipinasok na rin muna ni Kurt ang mga gamit sa sasakyan bago magpaalam sa amin. Hindi na rin naman kami nag-aksaya nang panahon at umalis na kami roon.

Tulad nga nang sabi ng asawa ko, wala pang 30 minutes ay narating na rin namin ang resort na pag-aari niya. At kung maganda ang villa nila Winona ay wala akong masabi sa villa ng asawa ko. Agad pang sumalubong sa amin ang mga katiwala na para bang inaasahan na rin talaga ang pagdating namin. Agad ding may nag-asikaso sa dalawang bata na tila alam na alam na rin kaagad ang gagawin.

"Sir, okay lang po ba 'yung kamay ninyo?" Si Spencer na noon lang din pala napansin ang kamao ng asawa ko.

"I'm fine. Don't worry," sagot pa niya nang makasamang banayad na tango. "Thanks, Spencer."

Tumango lang naman si Spencer at iniwan na rin kami agad. Mabilis pang ginagap ng asawa ko ang aking kamay at hawak-kamay naming binagtas ang daan patungo sa ikalawang palapag ng villa.

Modernized na ang design ng villa at triple pa yata ang laki sa villa nila Winona. Puro din glass walls na para bang may nagmo-moist na tubig ang effect. Sobrang refreshing sa mata lalo pa nga't ang dami ring makukulay na mga bulaklak sa paligid.

"How many resorts do you own?" curious pang tanong ko.

"Including those abroad?" nakangisi pang sagot lang niya. Jeez...

"Are you sure pang Asia lang ang yaman mo?" Kumunot ako at nagkibit-balikat naman siya bilang sagot.

Pagpasok namin sa aming kwarto ay wala pa rin akong masabi sa sobrang ganda. Spacious pa rin ang room at kumpleto na rin sa mga gamit. At ang bed, obviously ay hindi siya mahilig sa malaking bed. Palaging enough lang para sa dalawang tao.

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon