Chapter 21.2.3

412K 3.8K 623
                                    

CHAPTER 21.2.3

ADISON

Kanina pa wala sa mood si Ate. Hindi man niya sabihin ay alam kong nagseselos siya sa amin ni Sebastian. Hindi naman ako ganoon katanga para hindi mahalata na mahal pa rin niya ang boyfriend ko na ngayon.

Magkasama kami sa kwarto at hindi ko alam kung tatagalan ba namin ang presensya nang isa't-isa. Matapos na makapag-ayos kami ni Sebastian kanina, I felt really awkward. Nakadagdag pa ang masungit at seryoso niyang mukha. Gusto lang daw niyang ipaintindi sa akin ang naranasan niyang hirap sa pagpapakasal niya kay Otoki. That's what the term she used ipaintindi. Kinakabahan tuloy ako at para bang may gusto siyang iparating sa akin na possibleng hindi ko magustuhan.

Ikinuwento niya lahat-lahat nang hirap na pinagdaanan niya sa kamay ni Otoki. Noong umiiyak siya ay ramdam na ramdam ko rin ang hirap na pinagdaanan niya. Naaawa ako sa kanya dahil alam ko namang ginawa niya iyon lahat para makaligtas ako sa kamatayan. I felt guilty kahit na hindi ko pa hiningi sa kanyang gawin iyon.

She made me feel like I owe her my life.

At mukhang iyon talaga ang gusto niyang iparamdam sa akin all along habang nagkukuwento siya.

"I wanted to be happy again, Beh..." umiiyak pang sabi niya sabay hawak sa aking kamay.

Hinawakan ko rin ang kamay niya in return at hinaplus-haplos iyon.

"Mahahanap mo rin ang happiness mo, Ate. For sure may nakalaan for you."

I was being sincere. Gusto ko lang din pagaangin ang loob niya.

"No, Beh, you don't understand," iiling-iling pang aniya at parang binundol nang kaba ang dibdib ko sa reaksyon niyang iyon. "I am still in love with Sebastian. He's the only man I ever loved this way."

Laglag ang panga kong tumitig sa kanya. Seryoso ba siya? At kahit pa parang nahuhulaan ko na ang gusto niyang mangyari ay iba pa rin ang marinig koi yon mismo sa bibig niya.

"P-pero Ate-"

"Please let him go, for me. I want him back in my life, Beh. Siya lang ang gusto. Siya lang ang kailangan ko..." Gulat na umawang ang labi ko at diretsang tinitigan siya sa mga mata. Hindi siya nagbibiro?!

"A-ate..."

Nababaliw na ba siya?!

"Boyfriend ko si Sebastian... Hindi siya laruan!"

"You owe me your life, Ady! Hindi magkakaganito ang buhay ko kundi dahil sa pagmamahal ko sa'yo! Don't you think it's time you show the same courtesy with me?"

"Naririnig mo ba ang sarili mo, Ate?" manghang sabi ko habang titig na titig sa kanyang mukha. Walang bahid nang pagbibiro sa ekspresyon niya. Seryoso talaga siya!

I can't believe her! Sobrang disappointed ako sa inaasal niya!

"Hiwalayan mo si Sebastian. Iyon ang pabor na magagawa mo para sa akin."

"Inuutusan mo akong hiwalayan ko ang boyfriend ko?" Kumunot ang aking noo. Hindi ko alam kung anong ekspresyon ang ibinibigay ko sa kanya ngayon.

She's impossible!

"Yes!" matigas pang sagot niya.

"Nasisiraan ka na, Ate!" kulang na lang ay sumigaw ako. Pinipigilan ko lang ang sarili kong magsalita pa nang kung anu-ano.

I need to get out of this room!

"Where do you think you're going?!" sita pa niya.

"Away from you! You're going nuts!" pabalang na sagot ko sabay talikod.

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon