Chapter 8.2.3

549K 5.4K 42
                                    

A/N:

Ok, uhm, humihingi po ako ng pasensya na nagkakaroon ng trouble reading LSG dahil sa private chaps. 'Yung iba kasi di naman ako follow agad (and i can understand that kasi kung di naman kayo nagka interest sa story agad). Kapag search nyo po ang LSG, minsan di siya lumalabas sa watty, no results found, I dunno why... kahit pa, click pa box for mature. Baka po nagluluko lang si watty n'un. Nag provide po ako links sa MESSAGE BOARD kung naka follow na po kayo, mababasa nyo na 'yun. Kaya 'wag po kayo magalit sa akin... Sino ba namang ayaw mabasa ang pinaghirapan ko isulat. The thing is, dahil sa EROTIC genre nitong story, need ko talaga i-restrict. Ayaw ko namang mabura story ko rito. Pasensya na. Like i said, READ AT YOUR OWN RISK. May mga bagets na readers pala ako rito, nasa sa inyo naman 'yun. Malalaki na kayo. Just don't try this at home Bwahahaha! So, panu madrama na ako. Good day!

********

CHAPTER 8.2.3

ADISON

Ang sarap nang tulog ko kagabi. Just the thought of Sebastian could make me smile already. Pero 'yun nga lang wala na ulit siya sa bed. Umalis na kaya siya? Nang tingnan ko ang clock sa side table ay gan'on na lang ang gulat ko! Shit! It's eight o' clock! Tanghali na pala! Napasarap na naman ang tulog ko! Ugh, for sure nakaalis na nga siya. Bakit'di man lang niya ako ginising?

Kaya naman bumangon na rin ako at nagbihis. Mabuti na lang pala at teno'clock pa ang klase ko. Mahaba-haba pa ang oras ko. Paglabas ko sa bedroom ay agad kong naamoy ang masarap na niluluto ni Norma sa kusina. Oh shit, nagugutom na ako. Kaya naman nilapitan ko si Norma na agad naman ding nakabati sa akin.

"Good morning, Ma'am."

"Good morning, Tita Norma. Call me Ady please. Hindi ako sanay nang sobrang pormal," request ko pa sabay upo sa high stool.

"Sige, Ady," may pag-aalangang sang-ayon din naman niya, pero mas prefer ko talagang tawagin na lang ako sa nickname ko.

"Sorry po at napahaba ang tulog ko. Hindi ko na kayo natulungan," hingi ko nang paumanhin. Ayaw ko lang din isipin niyang nagpapaka-Señorita ako dahil lang ibinabahay ako ng kanyang amo.

"Hindi mo naman ako kailangang tulungan, hija. Trabaho ko 'to. At isa pa, hindi rin naman papayag si Sebastian na gagawa ka rito." Kinindatan pa niya ako." Kumain ka na, may pasok ka pa,'diba?"

"Opo. Mamaya pong 10:00. Kanina pa po ba nakaalis si Sebastian?"

"Oo. Mas maaga sa dati. Marami raw siyang gagawin sa opisina at ipinagbilin ka nga niya."

"He's treating me like a child again..." Napabuntong-hininga lang ako.

"Ganyan talaga si Sebastian. Pero siguro nga extra special ka lang," nangingiti pang sabi niya.

"Ako po?Extra special?" Pilit kong ikinubli ang kilig. Kahit pa man impossible ang iniisip niya ay may bahagi sa aking gustong umasa.

"Oo naman..." Kumindat pa siya." Ikaw pa lang kasi angpinatulog niya sa kanyang bedroom," nangingiting dugtong pa niya.

"Ako pa lang po?"

Well, that's kinda hard to believe. Pero kagabi, yeah well, we're in the middle of touching each other nang naisipan pa nga niyang lumipat pa ng kwarto.

"Believe it or not, hija. Okay lang ba na pag-usapan natin 'yung ibang-?"

"Of course. Okay lang po." Tumango ako dahil gusto ko ring may malaman tungkol sa dating buhay ni Sebastian.

"Dati kasi, nag-iinit na ang tuktok noon kapag may nagtangka na pumasok sa kwarto niya. Ewan ko ba kung ano rason niya. Basta off limits 'yung mga babae sa kwarto niya." Napakibit-balikat pa siya.

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon