Author's Note

331K 3.1K 322
                                    

Hello Dear Readers!

I dunno how to start.  Pasensya na if emo ako today... Before ko pa man post tong story nito, I hope na nabasa ninyo yung Author's Note sa umpisa ng story nito.  I made it clear na isa akong AVID FAN ni Christian Grey.  Siya yung unang fictional character na minahal ko at nabasa ko.  Ayaw siya mawala sa sistema ko kaya nagsulat ako ng sarili kong version ni CG at si Sebastian iyon.  Ganun talaga ako at kahit pa tignan ninyo yung ibang sinusulat ko base sa napanood ko at ginagawa ko yung trip kong mangyari dun.  Pasensya na sa sobrang mga perpektong tao dito sa watty.  Hindi ako perpekto. 

Obvious naman siguro na passion ko ang pagsusulat.  At kahit pa walang mga reads yan at comment panay lang ang post ko.  Why?  dahil tulad ng sabi ko, mahal ko ang pagsusulat.  Hindi ko pinangarap na maging sikat na book writer someday.  Yung may makabasa at may maka-appreciate lang sa sinulat ko masayang-masaya na ako.  I am not after the fame though ipokrita ako kung sasabihin ko na hindi ko nagugustuhan yung napapansin yung story ko.  All this time, nasanay akong nakatago yung mga story ko after ko maisulat.  Nang makita ko si watty naglakas loob akong ipost dito lahat sinulat ko kahit pa mali-mali ang grammars at baka nga minsan magulo para sa iba yung kwento.  Pero ginawa ko pa rin dahil hilig ko talaga 'to.  Stress reliever para sa akin 'to.

This past few days, binigyan ng chance ni Watty na medyo babaan yung rating ng story ko.  Natuwa ako kasi bigla dumagsa yung reads at ilang araw na nasa Hotlist number 11 to.  Super happy ako at hindi ko maalis yung ngiti sa labi ko.  Stupid?  maybe yeah.  Sino bang ayaw na pinupuri at sinasabihan ng magaganda?  Nakakagaan ng loob at nakakaganda ng araw.  Dumami din yung mga nagpa-private message sa akin. 

Pero yun nga lang, hindi lahat ng nagpa-private message nakakatuwa.  May nakakasakit.  At naiyak ako.  Mababaw nga siguro.  Pero putcha naman o, pinaghirapan at pinagpuyatan ko ang pagsulat nito.  Oo nga't hawig yung first part sa fifty shades.  Makibasa naman yung author's note pakiusap.  Wag manghusga agad.  Hindi ako nakatulog that night sa nabasa ko.  I won't mention name kasi hindi naman siguro niya intention makapanakit.  Na-hurt lang ako kasi parang nahusgahan ako kaagad.  No one knows me here.  May ibang kaanak nga ako na now lang nila nalaman na nagsusulat ako after all those years of existence.  Ayoko nga magpabasa kasi nahihiya ako.  Pero sana wag akong husgahan.  Wala namang bayad ang pagbabasa dito sa watty pero siguro wala din namang karapatan ang iba na manghusga.  Ibang-iba ang takbo ng story na ito sa Fifty Shades.  Bumili kayo ng tagalog version at basahin ninyo. 

Sorry po sa mahabang nobela.  Actually, it came to mind na tanggalin ko na lang ang story na 'to dito.  Pero alam kong napaka-unfair nun sa nagtiyaga na magbasa at magpuyat para sa story na 'to.  Though sa totoo lang, naiiyak ako habang sinusulat ko 'to.  Parang tanga ko lang.  Hindi mo naman kailangan ng maraming salita para makapanakit ng tao.  Pero mahusgahan ka ng ganun lang ni hindi ka personal na kilala... ang sakit lang.  Sa dami ng sinulat ko, tanga ko lang kung ipost ko dito pinaghirapan ng iba.  Oh well, sorry ulit.  Ang aga-aga kong emo.  Sorry po.  At salamat sa pagbasa ng walang katuturan kong sulat para sa lahat.

Sa mga nagme-message po sa akin, sorry po sa hindi ko pa nare-replayan.  May trabaho po kasi ako and yeah, nag-inarte talaga ako sa nabasa ko.  Nawala ako sa kundisyon.  Pero later promise, sagutin ko messages nyo.  Maraming salamat.  Salamat po sa support.  Mukhang naayos naman na ng watty ang rating nito.  Sana marami pa makabasa.  Pero sana wala ng bastusan.  Salamat po!

Love Lots,

Ate Dean  <3

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon