Chapter 26.2.3

397K 3.9K 149
                                    

CHAPTER 26.2.3 (Continuation)

SEBASTIAN

"Pina-imbestigahan mo ba ako?" pasita pang tanong niya.

"Yes." Hindi na rin naman ako nagkaila pa. "May mga sulat na pinapadala sa akin lately. Threatening to expose my past to the public."

"And you're accusing me?" diretsa pang tanong at kumunot nang husto ang noo.

"You can put it that way, but I don't know anything. That's why I am asking you."

Umiling-iling lang siya bago muling umupo. Noon na lang ulit ako naupo at matamang tinitigan ang kanyang mukha. Ngayon ko lang napansin ang malaking resemblance nila Celestina.

"Matagal ko nang kinalimutan na may ina akong kagaya ng asawa mo," mariin pang sabi niya.

"Then kanino galing ang letter kung hindi sa'yo?"

"May isang lalaki na nag-abot lang sa akin ng letter na 'yun. Since kakilala ko naman daw si Adison ay baka daw puwede siyang makisuyo. Nasa Bataan si Ady noong time na 'yun, kaya isinulot ko na lang sa pinto ng apartment niya dahil worried din akong ma-misplace ko ang sulat."

"Can you remember him? The guy na nag-abot ng letter sa'yo?"

"I don't. Hindi ko naman siya kilala." Napabuntong-hininga lang siya. "Pero makikilala ko ang mukha niya kung makikita ko ulit. But now I doubt kung mangyari pa 'yun."

"If all along, you knew something about me, why didn't you tell Adison?"

"It's not my secret to tell," matigas pang aniya. "And besides, wala na rin naman na akong pakialam. Noong una, curious lang ako kung sino ba talaga ang magulang ko. I even tried to reach out to her, pero wala talaga... She's heartless bitch," mapait pang sabi niya. "Hindi niya ako kinilalang anak dahil bunga lang daw ako nang isang gabing pagkakamali."

"I'm sorry..."

"Don't be sorry. Masaya naman ako sa mga umampon sa akin. They treated me like I am their own son."

Hindi na ako kumibo. Ramdam ko ang sinseridad sa kanyang mga salita.

"At kaya mo lang naman tinagalan ang masamang ugali ng Celestina na 'yun, e, dahil sa pera niya, right?"

"Yes." Hindi na rin ako nagsinungaling. "Mahirap na pamilya lang din kami. Kapit sa patalim..." Mapait pa akong napangiti. "I have my reasons, too, but you know, kung alam ko lang na may anak si Celestina, I could have given part of the inheritance."

"I have no interest," mabilis namang sagot niya.

"You have no interest?" Hmm... Mukhang hindi pa rin talaga siya ang taong hinahanap ko.

"Wala akong pakialam sa yaman niya!" galit na aniya. "Kaya kung ano man ang gulo sa buhay mo, wala akong kinalaman d'un."

"But you like, Ady."

"I do," wala ring pag-aalangang sagot niya. "I love her. I've been in love since the day I met her."

"Then you have a reason para guluhin kami."

Sarcastic lang siyang ngumiti at umiling-iling ulit.

"I am not that desperate, Sebastian. I love her, yes, but I valued her happiness too. I would never want to hurt her like you always do," matigas pang sabi niya at ramdam ko rin ang galit.

"I never want to hurt her, Matt. I love her so much." Nagpakatotoo na rin ako since he's been honest with me. "I am so fucked up and I don't deserved her."

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon