Chapter 13.3.3

467K 5.1K 115
                                    

CHAPTER 13.3.3

SEBASTIAN

"She left me for some guy because of money." I swallowed hard. Masakit pa ring alalahanin ang nakaraan dahil nasira ko nang husto ang aking sarili dahil lang sa walang kwentang pagmamahal. "She threw everything away just for the money," mapait ko pang dugtong na nakapagpabago nang reaksyon ng kanyang mukha. Mabilis na rumehistro ang awa sa kanyang mga mata.

"At dahil d'on nagkaganyan ka na?" She frowned.

"You knew nothing what happened to me after that, Adison."

"You're beautiful, Sebastian. Ano bang pumasok sa kukote mo para kalimutan mo na ang magagandang bagay sa'yo, para lang sa walang kuwentang babaeng katulad ng ex mo?" may parungit pang himig niya.

Sinesermunan na naman ba niya ako?

"Hindi naman dapat magunaw na ang mundo mo dahil lang nasaktan ka ng taong pinakamamahal mo. So, sana, itanim mo diyan sa utak mo, na kung iniwan ka man niya, siya na ang may sapak sa ulo at hindi ikaw!"

"Oh..."

She definitely amazed me. Siya lang din ang naglalakas ng loob na sermunan ako.

"Sorry... I get a little carried away," namumulang sabi pa niya.

"I noticed," maikling sagot ko lang at tipid na ngumiti.

"And about me loving y-you..." she said fidgeting. "J-ust ignore me. Ayoko namang i-push ka sa isang bagay na 'di mo kayang gawin," mapait pang aniya at muling inilayo ang tingin sa akin.

Humugot ako nang isang malalim na buntong-hininga dahil hindi ko rin alam ang sasabihin ko. I still couldn't believe she told me she's in love with me and I did not react differently. There must be something really wrong with me.

"How do you like our hacienda?" pag-iiba ko nang usapan.

"M-maganda... Sobrang ganda..." mapait pa niyang sagot sabay buntong-hininga.

"Ikaw rin naman..." I said, smiling.

"Huh?" Muli siyang bumaling sa akin at tumitig sa aking mga mata. Tila ba kinukumpirma kung tama ba siya sa kanyang narinig mula sa akin.

"Sobrang ganda," dugtong ko pa sabay pisil sa namumula niyang pisngi.

"Coming from you, fine, maniniwala ako," natatawa pang aniya.

Good. Ayoko rin namang mauwi sa seryosohang usapan ang araw naming ito.

Humakbang ako palapit at ginagap ang kanyang mukha.

"Thanks for coming here with me."

"Thanks din sa pagsama mo sa akin rito..."

Inilapit ko ang aking mukha at sinakop ang kanyang labi. I kissed her with gentleness. Kumapit siya sa aking leeg at sinabayan ako sa paghalik.

She could kissed so damn good. She's a fast learner.

"Eherm..." At iyon ang istorbo... Megan. "Mamaya na 'yan! Hinahanap na si Ady nila Nanay."

"Get lost, Megan," pagtataboy ko pa sa aking makulit na kapatid habang mahigpit na gagap pa rin ang mukha ni Adison.

"May kwarto ka Kuya at doon ninyo gawin 'yan. Bigyan mo na ako ng pamangkin at hinding-hindi ko talaga kayo iistorbohin!" nakangisi pang aniya.

See? Wala pa rin talaga siyang kupas. Buti na lang at nag-iisa lang siya!

"Come on, Sebastian," nahihiyang kayag rin naman ni Ady.

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon