Chapter 11.2.4

441K 4.5K 132
                                    

CHAPTER 11.2.4

ADISON

"Oh... I'm glad to hear that," nahihiyang sagot niya at makahulugang sumulyap kay Wayne na ngiting-ngiti rin sa pagkakatitig kay Samantha. They were both mesmerized by her beauty. Obvious sa mga titig nila sa babae.

"And most of all, I wasn't expecting that you'll be so good looking in person," diretsang sabi ni Samantha habang malagkit na nakatitig pa rin kay Sebastian. She had her eyes on him. Halos hindi man lang niya mapansin ang kagwapuhan ni Wayne.

"Thank you," tila nahihiyanganiya at mabilis na dinaanan ng daliri ang buhok." You look amazingly beautiful too, Samantha."

"Thank you." Napakagat-labi pa ito at halatang kinikilig. Pero agad ding nabago ang kanyang mukha nang mapansin ang magkahawak naming mga kamay ni Sebastian.

"Girlfriend?" may himig pagkadismaya pang aniya at tila napipilitang ngumiti sa akin.

"Oh!" gulat pang baling ni Sebastian. "This is Adison... m-my..." Bahagya pa itong natigilan na tila ba naghahagilap nang tamang label sa aming dalawa.

"Hi, nice meeting you, Samantha. I'm Sebastian's friend," maagap ko na ring pakilala sa aking sarili. Pinilit kong ngumiti at pinagtakpan ang selos sa magandang babaeng nasa aking harapan. I am not that blind, para hindi makitang impressed si Sebastian sa angking kagandahan ni Samantha.

"Nice meeting you too, Adison," nakangiti namang sagot nito. Bakas sa mukha niya ang kasiyahan sa ginawa kong pagpapakilalang friend ni Sebastian. "By the way, do you mind joining me, Sebastian?I would like you to meet my friends. They were dying to meet you. If it is okay with your friend, Adison?" tanong pa niya sabay makahulugang tumingin sa akin.

I get it. Loud and clear.

"Of course! No problem," masiglang sagot ko rin naman sabay baling kay Sebastian na noo'y kunot-noong nakatitig sa akin.

"What do you think you're doing?" pabulong pang tanong niya at napatikhim.

Sa halip na sumagot ay kinalas ko ang pagkakahawak niya sa aking kamay at pilit na pinanlabanan ang pag-iyak.

"Sebastian?" pukaw pa ni Samantha rito.

"B-but..." alanganin pa siya nang aniya.

"Ako na ang bahala kay Adison. Samahan mo na si Samantha," sabat pa ni Wayne at pasimpleng dinilatan ang kaibigan.

Yeah, as if I didn't see that.

"Matatanggihan mo ba ang anak ko, Sebastian?" may paghihinampong tono pa ng Don.

"S-sure..." tumatangong sagot pa ni Sebastian at hindi ko matantiya kung napipilitan lang ba siya o papaano. "I'll be back soon," bulong pa niya sa akin.

"S-sige..." tumatangong sagot ko kasabay ang mapait na ngiti. Mabilis akong nag-iwas nang tingin sa kanyang mga mata upang pigilan ang nararamdam ang awa sa sarili.

Mabilis na inangkla ni Samantha ang kanyang kamay sa braso ni Sebastian at hindi na ito binigyan pa nang pagkakataong makawala.

Nang makaalis ang dalawa ay agad naman din akong sinamahan ni Wayne sa nakareserbang table para sa amin ni Sebastian.

Wayne is quite intimidating.

Halos dumikit kasi ang titig niya sa akin at hindi ako mapalagay. Para bang marami siyang nalalaman tungkol sa amin at doon ako nahihiya. Hindi ko alam kung ano ang alam niya.

"How long have you known Sebastian?" tanong niya matapos kaming makaupo.

"Almost two months na rin..." tipid namang sagot ko at pilit na nag-iwas nang tingin. Kung puwede ko lang siyang ipagtabuyan ay ginawa ko na.

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon