Chapter 29.1.2

390K 4K 70
                                    

CHAPTER 29.1.2

ADISON

Who would have thought na mabilis nakalipas ang isang buwan at eto ako ngayon kinakabahan sa mangyayaring simpleng kasal namin ni Sebastian. Sobrang nae-excite ako, kinakabahan at maiiyak.

Hindi ko kayang ipaliwanag.

Halu-halo ang emosyon ko.

Akala ko nga ay mahihirapan kami noon na kumbinsihin ang aking mga magulang sa pagpapakasal dahil bata pa raw ako at hindi pa ako nakakatapos sa college. Ewan ko ba kung ano ang ginawa ni Sebastian para makumbinsi sila. Oh well, mas lamang din naman yung excitement kasi finally ay magiging legal na ang pagsasama naming dalawa.

Piling-pili lang ang mga bisita namin ni Sebastian. Halos parte lang ng pamilya. May ilang kamag-anak na malalapit, pero walang imbitado si Sebastian sa mga kaibigan niya sa negosyo. Not even Wayne. Sa totoo lang ay kinontra ko lang din siya na i-invite 'yun lalo pa nga't hindi pa rin tumitigil ang pananakot sa kanya. We can't risk it. Wala rin naman akong in-invite sa mga kaibigan ko. Tamang binanggit ko kay Nicole kaso naman ay hindi rin naman siya makakauwi dahil na nga rin may kontrata siya sa trabaho. I did not invite Matt... Sorpresa na lang kapag Mrs. Sebastian Greene na ako. Tutal naman ay alam rin naman niyang ikakasal talaga ako. Maiintindihan na rin naman niya siguro.

Simpleng-simple lang ang ceremony nang kasal namin. Sa isang maliit na church lang iyon ginanap. Tipong hindi iisiping sikat na tao ang magpapakasal. Gusto rin naman namin ang ganitong ka-pribadong kasal para mas tahimik at malayo sa mata ng media. Pero siyempre, espesyal ang araw na ito dahil si Sebastian ang groom ko.

Ang lalaking pinakamamahal ko.

Ginanap ang aming reception sa isang hotel na... Okay, fine, na so happened ay pag-aari rin ni Sebastian. Jeez, kung hindi ko pa nakita ang clover leaf sa façade ng hotel ay hindi ko pa malalaman na pag-aari rin pala niya 'yun! Kaya pala kulang na lang halos walang tao sa lobby! Ngingiti-ngiti lang sa akin ang loko nang sitahin ko siya, pero idinaan lang niya ako sa mga pa-cute niya. I knew he is rich, pero 'di ko pa rin maiwasan ang malula talaga. Ni hindi nga gumawa ng pre-nup dahil ano raw ang pag-aari niya ay pag-aari ko na rin.

Siraulo talaga!

Doon na rin pinatuloy sa hotel ang aming pami-pamilya. Mga na-excite nga yatang masyado at mga hindi na naglabasan pa sa kani-kanilang kwarto. One week na pinagbabakasyon ni Sebastian ang family ko sa hotel niya nang libre! Oh, saan pa nga ba sila?! 'Di kaya iyon ang rason kung bakit bigla silang pumayag na makasal ako?!

Si Ate Brianna naman ay malungkot lang at tulala. Wala rin naman siyang sinasabi kaya't umaasa akong maayos lang talaga siya. Isa pa ay parang hindi na rin naman talaga siya pinapansin ni Sebastian. Hindi naman sa pagiging masama ay natutuwa akong ganoon si Sebastian sa kanya. Masarap sa pakiramdam na ang buong atensyon ng asawa ko ay nasa akin lang talaga.

Asawa...

Ang sarap naman pakinggan n'un!

"Hello, wife..." ngiting-ngiti pang bati ni Sebastian after making love. Ibang klase ang stamina ng taong 'to at nakuha pang tumatlo! Jeez...

"Hello, husband..." I tried to smile sweetly kahit pa sobrang drained ako.

"So, you're officially mine, huh?"

"Officially yours..." nakangiting sagot ko naman.

Mahigpit akong yumakap sa kanya. I couldn't get enough of him. Amoy pa lang niya ay nababaliw na ako.

"Medyo i-move lang natin ang honeymoon, okay? Ang daming trabaho sa opisina." Hinalikan niya ako sa noo bago bumuntong-hininga.

"Hindi ka mag day-off bukas?" Bahagya kong iniangat ang mukha ko para matitigan siya.

"I'll just tag you along with me tomorrow. Saglit lang tayo sa office at may mga pipirmahan pa kasi akong cheques. Right after that we'll definitely spend the rest of the day making love," pilyo pang sabi niya habang nakangisi. I never doubt that.

"That will be great..." I nuzzled his neck. "Kaya lang kailangan ko na ring pumasok sa makalawa at may exams na ako next week, e."

"I understand." Tumangu-tango rin naman siya. "May appointment ka na ba sa OB mo for your shot?" (Contraceptive Injection)

"Sa Thursday po. Don't worry hindi ko naman nakakalimutan."

"Okay... Naalala ko lang din naman."

He tugged my chin and kissed me. Kahit sa paghahalikan lang ay hindi kami sasawaan ng asawa ko.

"Magpapakain nga rin pala ako sa opisina bukas para na rin alam nila na Mrs. Greene ka na."

"Kapag ginawa mo 'yun ay guguhit na tayo," nag-aalala pang ani ko.

"It's okay. At least wala na akong worries na may gagawa pa nang kalokohan sa kasal natin since we're married. But that doesn't mean na wala ka ng bodyguards, my wife."

"I know..." I rolled my eyes to him. "Hindi mo pa rin sinasabi sa akin kung ano ang lumabas sa investigation about sa helicopter mo."

All right. I just can't my mouth shut.

Kumunot ako sa kanya at matamang pinanood ang kanyang reaksyon. I wanted to know the details at wala talaga akong balak na lubayan siya.

"Do you really have to know?"

"Of course, yes!" Banayad ko pa siyang tinapik sa pisngi. "And don't you dare lie to me, my husband!" banta ko pa.

"I just don't want you to worry."

"I am still worried so, better tell me," I insisted.

Believe me, I am not giving this up.

Matagal-tagal bago siya nakasagot. Parang alanganin pa ring magsabi sa akin.

"Somebody wanted to kill me. Sinadya ang nangyari sa helicopter."

"Oh my God..." Napahiwalay ako sa kanya at matamang tumitig sa kanyang mukha. "Sebastian, I'm scared. Dapat yata magdoble ka pa ng security mo. I'll be fine with it basta safe ka lang."

"I already did, Baby..." He said stroking my face with his fingertips. "I will never let anything bad happen to both of us. I promise you that."

"May natuklasan pa ba ang private investigator mo?"

"Pupunta rin si JR sa opisina bukas." Napabuntong-hininga pa siya. "I am really sorry, Baby. Dahil sa akin hindi ka makakilos nang malaya."

"Don't be sorry, Sebastian. I chose to be with you. At wala akong pinagsisisihan d'un, okay?"

"Hmm..." Tumango siya and again, he pulled me closer to kissed me. "Let's sleep, Baby. I'm tired."

"Okay..." Matamis naman akong ngumiti at yumakap sa kanyang hubad na katawan.

"Good night, my wife. I love you," bulong pa niya.

"I love you, my husband. Good night," bulong ko rin naman.

Matamis lang siyang ngumiti at bago iniikot din ang kanyang braso sa aking hubad na katawan.

At kahit pa parehas kaming punung-puno nang pag-aalala ay nakatulog pa rin kami sa kapayapaan na nararamdaman namin sa piling ng isa't-isa.


LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon