Chapter 3.2.2 (Restricted)

662K 6.8K 220
                                    

CHAPTER 3.2.2 (Restricted)

ADISON

Matapos naming makakakain nang sobrang nakakabusog na dinner ay panandali kaming huminto sa kumpol ng mga batang lansangan para ipamigay ang mga natirang pagkain.

"They looked so cute..." Aliw na aliw ko pangtiningnan ang mga batang tila noon lang nakakain nang masarap na hapunan.

"We need to go," kayag pa niya sabay mahigpit na hinawakan ang aking kamay. At maski na noong makasakay na ulit kami sa kanyang sasakyan ay hindi na niya iyon binitiwan. Pakiramdam ko ay parang may naghahabulang daga sa dibdib ko!

Sa halip na ihatid ako sa apartment ay idinaan muna niya ako sa condominium na obviously ay pag-aari niya dahil sa disenyong malaking clover leaf sa lobby na sumisimbolo sa pangalan nito. Napakapribado man niyang tao ay alam pa rin na pag-aari ni Sebastian Greene ang isang lugar basta't may simbolo ng dahong iyon.

Nang sumakay kami sa elevator ay mahigpit pa rin niyang hawak ang aking kamay.

"Penthouse?" tanong ko pa.

"Yes," nakangiting sagot pa niya.

Hindi ko alam kung nararamdaman ba niyang nanlalamig ako dahilsa kakaibang hatid sa puso ko nang paghawak niyang iyon. Kinakabahan akong hindi ko maipaliwanag.

"Are you cold?" Sumulyap siya sa akin gamit ang mapupungay niyang mga mata.

"N-no..." Bahagya pa akong umiling.

"Your hand is so cold," sabi pa niya na tila nang-aakit. Oh God, I wanted to jump him!

"Ohh..." Mariin kong kinagat ang labi ko sa pag-asang mapagtatakpan niyon ang kabang nararamdaman ko.

Pero hindi pa man kami nakakarating sa top floor ay agad niya akong hinapit sa baywang at mariing hinalikan! Saglit akong nanigas dahil sa sobrang pagkabigla, pero sa lumaon ay lumambot din ang aking katawan at kumapit sa kanyang batok. He licked my lips as his tongue made its way on my mouth. Hindi ko naiwasang mapaungol sa kakaibang sensasyon na hatid ng kanyanghalik. His hand moved, slowly wandering on the curves of my body. Pero agad din siyang huminto nang magbukas na ang elevator sa top floor.

"Welcome to my humble abode," nakangiting sabi pa niya habang ang mga mata'y naglalakbay pa rin pababa sa aking labi.

"Hmm..." Pinilit kong ngumiti kahit na parang ang hirap makabawi sa halik na iyon.

Ibinaling ko ang atensyon sa aming harapan at ganoon na lang ang aking pagkamangha. Hindi ko naiwasang mapalunok dahil sa ganda ng kanyang suite. Pang mayaman talaga!

"You like it?" Sumulyap siya sa akin gamit ang mapang-akit na ngiti.

"Yes. It was really nice," tumatangong sagot ko pa habang marahang naglalakad papasok sa kanyang de kalibreng suite.

Hindi na rin naman ako nahiya at talagang nilibot ko nang husto ang aking paningin sa sobrang spacious na suite. Dominating lang ang color na black, white at brown. At halos mag-reflect ang ilaw sa kintab ng sahig na surprisingly ay hindi rin madulas. Mula sa floor to ceiling glass wall ay tanaw ang magagandang ilaw ng siyudad sa gabi. Mayroon din siyang fireplace kung saan nakapalibot ang mahahabang feathery sofaat carpeted ang buong area na 'yun.

"Come..." Hinawakan niya ang aking kamay at hinilapapunta sa bar counter at pinaupo." Anything you want, Madame?"

"What do you have there?"

"Name it. I think I almost have everything," nagmamalaki pang sabi niya. Noong una ay parang nayayabangan ako sa ganoong pagsagot niya, pero ngayon ay parang natural na lang ang dating lalo pa nga't totoo naman ang kanyang sinasabi." Wine?"

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon