Chapter 16.1.2

500K 4.9K 134
                                    

THEME SONG OF LSG ----------------------->   IKAW PALA by Kris Lawrence 

Super perfect yung song para sa story na ito.

********

CHAPTER 16.1.2

ADISON

Pinipilit kong idilat ang aking mga mata, pero grabe pa rin ang antok ko. Pakiramdam ko lahat nang pagod sa pag-iyak at 'di ko pagkakatulog noong mga nakakaraang araw ay ngayon ako binabawian. Nasa kwarto pa rin ako, perowala na sa Sebastian sa tabi ko. Sinapo ko ang aking noo at pilit na pinakiramdaman ang sarili.

Papaano ba ako papasok nito kungang sama-sama nang pakiramdam ko? Nasaan na kaya siya? Hindi man lang niya ako ginising. Pumasok na kaya siya sa opisina?

"Good morning!"

Agad na natapos ang aking pag-iisip pagkakita pa lang sa kanyang gwapong mukha. He looked so handsome and so damn hot in the morning.

Sa wakas boyfriend ko na talaga siya.

My Sebastian Greene...

"Good morning..." Hindi ko napigilan ang ngiti sa aking labi nang matanaw ang breakfast na nakalagay sa tray. How sweet.

"'Wag kang masyadong kiligin dahil hindi ako ang nagluto nito. Ipinabili ko lang kay Spencer," natatawa pang aniya sabay baba ng tray sa bed.

Ang walang kamatayan kong favorite tapsilog!

"Wow... Thanks pa rin."

Sobrang saya ko lang ngayong araw. Last night, we really made love.

"Hmm..." Lumapit siya sa akin at hinaplos ang paligid ng aking mga mata." I am really sorry, Baby," he said, ruefully.

"I'm okay... We're okay..." Tiningala ko siya at tipid na ngumiti. Ginagap ko ang kamay niyang nakahawak sa aking mukha at hinalikan iyon.

"You better get dress at baka ikaw pa ang gawin kong breakfast," pilyo pang sabi niya.

"Can you hand me my robe, please." Itinuro ko ang robe na naka-hanger sa gilid ng closet.

Mabilis din naman siyang sumunod at iniabot sa akin ang robe. Agad ko rin namang isinuot iyon habang abala siya sa paghigop ng kanyang kape.

"What time is your class?" tanong pa niya habang naglalagay na ng kanin sa kutsara.

"Ten o'clock..." Napabuntong-hininga ako." ...pero parang hindi ko kayang pumasok," pag-amin ko rin naman lalo na nga't mabigat ang aking pakiramdam.

"W-why?" Agad na rumehistro ang pag-aalala sa kanyang mukha." Are you sick?"

"Masama lang ang pakiramdam ko. Mukhang ngayon ako binabawian..." Mapait akong ngumiti. Nahirapan talaga ako nang ilang araw na hindi siya kasama.

"Hmm... it's Friday. Tamad magturo ang mga professors tuwing Friday." Nagkibit-balikat lang siya at nagpatuloy ulit sa pagkain.

"Yeah, hiram na lang ako ng notes kay Matt."

Pagkabanggit ko pa lang sa pangalan ni Matt ay agad na nagdilim ang kanyang mukha.

"Pinopormahan ka ba gagong 'yun?" Agad pa siyang kumunot-noo at ako naman ay napangiti sa kanyang reaksyon. Ang cute kasi magselos!

"This time ba i-admit mo na bang nagseselos ka?" Tinaas-babaan ko siya ng kilay.

Umiling-iling siya sa akin at muling sumubo ng rice.

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon