Chapter 35.3.4

336K 3.9K 133
                                    

I love you sis chichay!  mwaaaahugssss!

********

CHAPTER 35.3.4

SEBASTIAN

As expected, sama-sama kami sa isang shuttle bus na pag-aari ko. Kasama ni Winona ang ilang members ng family niya. Two of her sisters and two brothers with their respective spouses and kiddos. Medyo mas maingay nga lang dahil pito rin ang mga bagets na nakadagdag pa sa maingay na talagang magkakapatid.

Malapit ako sa pamilya ni Winona lalo na sa parents niya. Iyon nga lang ay nasa abroad na rin ang magulang niya at hindi nagawang makauwi dahil bukod sa hindi na kaya magbyahe nang malayo ay matatanda na rin ang mga ito.

At dahil masyado na nga rin komportable ang mga kapatid niya sa akin ay talaga namang ginisa nila kaming mag-asawa sa mga kalokohang tanong nila. Mas madalas na ako ang sumasagot dahil nahihiya ang asawa ko sa kanila. Tamang nakikitawa at nakikingiti lang din siya, pero halos hindi naman makapagsalita. Kung tutuusin, siya kasi ang pinakabata sa aming lahat.

"Grabe, Pare all along I thought kayo ng kapatid ko ang magkakatuluyan! Pero buti na lang!" biro pa ni Kurt. Siya ang pinaka-eldest. I think nasa mid 30's na siya.

"Hoy, Kuya! Tantanan mo nga si Sebastian!" si Winona. "'Di kami talo! Baka kung ano pa isipin ni Adison. Kayo talaga!" may panermong himig pa niya at matalim na tinitigan ang mga nagtatawanang mga kapatid.

"Naku kunwari ka pa, Ona!" si Timmy. Siya naman ang eldest sa mga babae. Sa pagkakaalam ko, isang taon lang ang pagitan nila ni Kurt. "Sabi mo pa nga noon, super crush mo si Sebastian kasi bukod sa matalino, e, sobrang gwapo pa!"

Sobrang pula ni Winona. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na may crush siya sa akin. Pero iyon nga lang tropa lang naman talaga ang turing ko sa kanya dahil na rin girlfriend ko pa noon si Brianna.

"Lumubay na nga kayo! Hindi na nakakatuwa!" inis na sabi pa ni Winona. "Naku, Ady, 'wag kang maniniwala sa mga ito, huh," baling pa niya sa ngingiti-ngiti kong asawa. "Pinagti-tripan lang ako ng mga iyan!"

"Why don't you just admit that you are head over heels inlove with Sebastian?!" si Kurt ulit. He was still the same feisty person I've known. Wala pa rin siyang pinagbago.

Sinulyapan ko ang asawa ko na noon ay napipilitan lang ngumiti kahit na alam kong deep inside ay gusto na niyang magwala.

I was playing with her hand at ramdam kong nagbabago na ang temperatura niya.

"You're impossible, Kuya!" Kuntodo irap pa si Winona. Pikon siya at alam kong hindi na siya komportable na napagtutulungan siya. And yeah, same with my wife. Alam ko naman kung gaano siya ka-possesive sa akin. At nakikita ko sa mukha niya na hindi na rin siya komportable sa ganoong tuksuhan.

"Hey, are you all right?" pasimpleng tanong ko pa nang mabaling na sa ibang topic ang usapan nilang magkakapatid.

"I-I'm fine..." Mapakla lang siyang ngumiti.

"I know you're not." Ako na rin ang sumagot.

Ramdam ko namang nagseselos siya dahil kung ako man ang nasa kalagayan niya ay magseselos din ako sa kung sino mang itutukso sa kanya.

"'Wag mo na lang intindihin ang harutan nila. Ganyan lang talaga silang magkakapatid."

Mapait lang siyang ngumiti at ibinaling ang tingin sa labas. Pero hindi ko na siya hinayaang mag-isip pa nang kung anu ano. I immediately tugged her chin and looked at her straight in the eyes.

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon