Chapter 15.1.2

434K 4.7K 68
                                    

CHAPTER 15.1.2 

Song Inspiration:  Say Goodbye by Katharine McPhee

ADISON


It's been days since I left Sebastian's penthouse, but it felt like years. I am hurting, but I missed him so much. Kahit pa alam kong ganoong lifestyle naman talaga ang nakasanayan niya ay masakit pa rin pala ang makita siyang may kahalikang iba.

All along I thought I am enough or maybe I assumed too much. I thought I've seen a good side in him, pero siguro nga mali pa rin ako. Maling-mali... At ang masakit pa, ni hindi man lang niya ako pinuntahan para magpaliwanag. Ni isang text wala rin.

Aasa pa ba ako?

Sex nga lang ang habol niya sa akin. At kahit pa umalis ako ay hindi kawalan sa kanya. Madaling maghanap nang iba.

I am just a big nobody...

Nobody...

Sa ilang araw na nag-iisa ako rito sa apartment ay namayat ako kaagad. Wala kasi akong ganang magkakain. At kahit ayoko magpa-apekto ayhindi ko pa rin maiwasan talaga. Pakiramdam ko ay mababaliw ako!

"Ady..."

Oh no, shit! Mabilis kong pinunasan ang luhang kanina pa bumabasa sa aking mukha bago mag-angat nang tingin sa kanya.

"Matt..." Pinilit kong ngumiti kahit pa sobrang hirap gawin. Parang binibiyak ang puso ko at mahirap ipagkaila iyon.

"Have you been crying again?" nag-aalala pang tanong niya.

He saw me.

"Uhm, no..." deny ko naman. I can't tell him. I don't want to.

"You can't lie to me, Ady. I know you too well." Bumuntong hininga siya sabay haplos sa paligid ng aking mga mata. "You have beautiful eyes, but these dark circles, wasn't pretty at all."

"I'm fine, Matt. Don't worry about me." Pinilit ko pa ringngumit, pero mabilis din akong ipinagkanulo ng mga luha ko. Tears came streaming down non-stop.

"Oh, Ady..." naaawa pang sabi niya sabay yakap nang mahigpit sa akin.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong humagulgol. Hanggang kailan ba itong sakit na ito?! Dapat umpisa pa lang ay hindi na ako pumayag sa ganoong set-up!

Ang tanga-tanga mo, Adison! Ang tanga-tanga mo!

"Ssshhh..." pang-aalo pa ni Matt. Habang nakayakap kami sa isa't-isa ay panay din ang hagod niya sa aking likod." I'm here... I'm here..." bulong pa niya at naramdaman ko ang manipis niyang paghalik sa aking buhok. That gesture made me cry even more.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal na magkayakap. Kahit papaano, ang presensya na iyon ni Matt ay nakabawas sa bigat na nararamdaman ko. Pero alam kong temporary lang 'to dahil kapag nag-iisa na ako, bibigay na naman ako sa aking mga luha.



Sebastian

I did not expect this. I've been in hell again for days! I thought things will be easy, but I was wrong this time. I am so fucking wrong!

Sa iilang araw ay nakakarami na ako ng mga sinesesanteng empleyado. At kahit itong si Keisha ay malapit na malapit na rin talaga!

"Sir, nandito po si Spencer." Naiilag pang sumilip si Keisha sa may pinto. Alam niyang mainit ang ulo ko nitong mga nakakaraang araw kaya't ingat na ingat din siya.

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon