Chapter 18.1.2

448K 4.2K 131
                                    

CHAPTER 18.1.2

ADISON


Matapos ang masayang bakasyon namin ni Sebastian ay back to reality na naman kami. Again.

Ano pa nga ba? Him at work and me here at school.

Hindi na rin namin pinagusapan pa ang tungkol kay Pia. Pakiramdam ko kasi ay nababago ang mood niya sa tuwing magtatanong ako ng tungkol sa nakaraan niya. May parte sa akin na gusto kong alamin lahat nang nangyari d'un sa mga babaeng kinasama niya, pero natatakot rin ako sa maaaring malaman ko.

Pia...

I wonder kung ano pang hindi gugustuhin ni Sebastian sa kanya? Kahit pa magulo ang kanyang buhok at medyo nangingitim ang paligid ng kanyang mga mata, she's no doubt very beautiful. Compared to her, wala naman akong panama sa kagandahan niya. Para siyang anghel na bumaba sa langit.

Ano nga bang nagustuhan niya sa akin?

Bukod sa mahirap ako at napakasimple kong manamit at mag-ayos ay hindi rin ako magaling sa kama.

Haist, Ady! You're overthinking again! Ugh! Maging masaya ka na lang na minahal ka ni Sebastian at hindi ka naloka katulad ni Pia! Haist!

"Hey... Ang lalim ng iniisip natin, ah!"

Oh shit. Si Matt!

"Uy..." Tumango ako at tipid na ngumiti. Kahit pa alam kong ayaw ni Sebastian na nakikipagkaibigan ako kay Matt ay hindi ko pa rin maiwasan. Halos magka-klase kami sa lahat ng mga subjects and four years was not that easy to forget. We spent a lot of good memories together kasama na rin si Nicole.

"What's eating you, huh?" curious pang tanong niya habang umuupo sa tabi ko. God, he smelled so good. Grabe din sa kagwapuhan 'tong si Matt. No wonder, ang dami ko ring mga kaklase na naiinggit sa akin dahil sa akin siya malapit.

"Wala naman... Medyo pagod lang."

"Pagod?" Bahagya pa siyang kumunot. "May pinuntahan ka ba nitong nakaraang weekend?"

"Well..."

Jeez... Bakit ba nahihirapan akong sumagot sa kanya? Ang hirap naman kasi magsinungaling. Haist..."W-wala naman... nag general cleaning lang ako."

Natahimik lang siya sa aking sinagot at bahagya pa ring nakakunot ang noo.

"When are you going to tell me that you're living with that bastard?"

Literal na nalaglag ang panga ko sa kanyang sinabi lalo pa nga't wala naman akong kaide-ideya na may alam siya! Shit!

"A-ano bang sinasabi mo?"

Oh shit! Shit! Shit!

"Are you still going to deny it, huh?" Igting ang panga niyang tumitig sa akin. Patay talaga...

"M-matt kasi..." Ugh, this is hard!

"Ang daming beses kong dumadaan sa apartment mo and obviously you're not there. You are not living there," may diin pang sabi niya bago malalim na bumuntong-hininga. "Do you know what you're getting yourself into, Ady?"

Hindi ko makuhang sumagot sa kanyang tanong. Ngayon lang kasi siya nagalit nang ganito sa akin. At alam ko naman din na concern lang siya.

"You're doing it with him, aren't you?" Kung hindi ako nagkakamali ay may bakas nang hinanakit ang paraan ng kanyang pagtatanong.

"That's none of your business, Matt," mahinahon kong sagot kasabay nang pag-iinit ng aking mukha. Kahit na alam kong wala akong dapat ikahiya sa ginagawa namin ni Sebastian ay hindi ko pa rin maiwasan. Dalaga pa rin ako. Hindi pa ako kasal.

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon