Chapter 14

462K 5.2K 159
                                    

CHAPTER 14

ADISON

After my confession of love for Sebastian ay hindi ko malaman kung umiiwas ba siya or what. Lately kasi ay parang palagi na lang siyang sobrang busy sa trabaho. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang tumatakbo sa isip niya. He seemed okay naman noong bumalik kami galing sa probinsya. But now, I really don't know...

"Eherm, lalim nang iniisip natin, ah!" Si Matt. Sa sobrang paglipad ng utak ko ay hindi ko man lang namalayan ang kanyang paglapit.

"Nanggugulat ka naman, e." Umirap ako at bahagyang ngumuso.

"Si Sebastian Greene na naman ba ang iniisip mo?"

"H-hindi, ah!" deny ko naman.

As much as I wanted to tell him everything ay hindi naman talaga puwede. Ako rin naman ang lalabas na kahiya-hiya.

"Hmm..." Napabuntong-hininga pa siya at tila dismayado sa sagot ko." Ang suwerte naman talaga ng Sebastian na 'yan... Buti pa siya, iniisip mo," makahulugan pang aniya na nakagulat sa akin. Kumunot ako at mataman siyang tinitigan sa mukha.

Seryoso ba siya?Emote mode ba siya?

"Sino naman ang gusto mong isipin ko?" Umismid ako at pilit na itinago ang kabang nag-uumpisang gumulo sa puso ko.

"Ako," he replied firmly.

"Naka-drugs ka ba?" pabirong tanong ko pa kahit na may kakaibang dating talaga sa akin ang pagkakasabi niya.

"Naunahan lang ako ng Sebastian na 'yan..."

Oh my gee...

"W-what. . ?" Awang ang labi kong tumitig sa kanya at malungkot na ngiti naman ang ibinalik niya sa akin.

All along, Nicole was right...

"I love you, Ady. Matagal na," pagtatapat pa niya kasabay angmapait na ngiti." Kaya nga lang, iniisip ko kasi ang pagkakaibigan natin. Ayoko kasing may mabago sa ating dalawa."

Those words made me speechless and my heart fluttered. Ang tagal ko siyang naging crush. All along ang isip ko ay nasafriendzone status lang kami. Yumuko ako at mabilis na nag-iwas nang tingin.

I'm in love with Sebastian. At natabunan nang pagmamahal na iyon ang crush na mayroon ako para kay Matt.

Iyon nga lang, hindi naman ako mahal ni Sebastian...

Haist! Bakit ba ang complicated ng love?

"I hope hindi ka galit sa sinabi ko. I just thought I'll let you know," mapait pa niyang sabi kasabay ang mapaklang ngiti.

Haist, Matt, bakit kasi ngayon lang?Kung siguro noon pa ay baka hindi ko rin nararanasang umasa sa isang tao na hindi ko alam kung matututunan ba akong mahalin o hindi kailanman. At kahit naman ilang beses kong sabihin na hindi ako umaasa ay iba naman ang nararamdaman ng puso ko. Somehow, I was hoping he'll learn to love me too.

"You deserved someone better, Matt..."

Iyon lang ang kaya kong sabihin sa ngayon.

"It could have been better if it was you," malungkot pang aniya.

"Alam mo namang may boyfriend ako,'diba?"

"Seryoso ba talaga ang Sebastian na yan sa'yo?" tanong pa niya nang igting ang panga at kunot ang noo.

"O-oo naman..." napipilitan ko pang sagot.

Alam kong sex lang ang habol niya sa akin... Hurtful truth.

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon