Chapter 27.2.2

437K 4.2K 167
                                    

A/N:

Ok, UD ako today dahil next week na ulit ang kasunod nito.  Super busy kasi ako eh... Hay, salamat po at nagugustuhan ninyo ang LSG. Sobrang love ko rin ang story ko na ito dahil pinagpuyatan at pinaghirapan ko talaga ang pagsulat.  Erotic pa! lol! sSino bang hindi mahirapan dun?! hahaha

Sa mga nagtatanong po about soft copy... well, hindi po talaga. Nagbibigay lang ako sa taong malalapit lang talaga sa heart ko at alam kong hindi ipagkakalat gawa ko.  Pasensya na po talaga.  Sorry ulit sa mga wrong grammars oki? Hindi perfect ate n'yo, pengkis lang! lol! 

kawai! kawai! 

<3 ate dean

********

CHAPTER 27.2.2

ADISON


I think nasa cloud nine ako ngayong araw na ito. Aside from our explosive love making, the fact that I'll soon be Mrs. Sebastian Greene brought happiness to me.

He is happiness to me.

My gorgeous and so handsome boyfriend or fiancé maybe? Jeez, I still don't have any idea when he wanted us to tie the knot. But knowing him, for sure it would be soon.

At dahil sobrang saya ko ngayong araw kahit pa yata gaano ka-stressful sa school ay hindi man lang ako naapektuhan. Nasa kalagitnaan ako nang pag-aayos ng mga books sa library nang maulinagan kong parang biglang nagkagulo.

Tsss... library nga, dapat tahimik! Kalokang mga estudyante talaga, oo!

At dahil curious ako kung sino ang dumating ay nakiusyoso na rin ako. Agad ko ring naringgan ang dalawang estudyante sa harapan ko na tila pinag-uusapan ang dumating na important visitor daw ng school. Nakatalikod ang mga bisita sa gawi ko kaya't wala talaga akong idea kung sino ba 'yun.

"Ang ganda pala ni Samantha sa personal, 'no?" sabi n'ung isang short hair length na girl.

"Ay, oo! Ikaw ba naman ang maging anak mayaman bakit ka nga hindi gaganda!" sagot naman n'ung wavy hair girl.

But wait... Samantha?

Parang familiar sa akin ang name? Kunsabagay ang dami nga palang ganoong pangalan.

"Nakita mo basa internet 'yung boyfriend niyang si Samantha?" si short hair ulit.

"No..." Umiling si wavy.

"Gosh, sobrang gwapo n'ung boyfriend niya! 'Yung billionaire tycoon na si Sebastian Greene!" Huh? Ano raw?!

"Sebastian Greene?! Seriously?! May magazine niya ako sa bahay! Ang gwapo talaga n'un! Ang suwerte naman niya! Bagay naman talaga sila!" Agad na nanliit ang mga mata ko. Aish! Ako ang girlfriend at soon to be wife! Mga shulig! Paniwalain sa mga tsismis!

Sasabat na sana ako sa usapan nang dalawang babae nang biglang humarap sa amin iyong tinutukoy nilang Samantha.

Oh... Siya nga! 'Yung malanding babae sa party! Hmp!

"A-adison?" Nakakunot-noo pa siyang tumitig sa akin na para bang kinikilala talaga ako.

"H-hi..." Bahagya pa akong kumaway sa kanya. Medyo plastic nga yata ang dating ko.

Agad naman ding nagbulungan 'yung dalawang babae sa harap ko. Hindi ko na lang din naintindihan kung ano, pero as expected ay sinusuri talaga nila ako mula ulo hanggang paa.

"Dito ka pala nag-aaral?" tanong pa ni Samantha nang tuluyan na siyang makalapit sa akin. Feeling close agad-agad?!

"Ah, oo... Graduating na rin ako next year," kaswal na sabi ko. "Anong ginagawa n'yo rito sa school?" Hindi ko na rin napigil ang magtanong.

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon