Chapter 22.3.3

402K 4.1K 223
                                    

CHAPTER 22.3.3 (Continuation)

ADISON

Habang nasa byahe ay tinadtad pa rin ako ng tawag ni Sebastian, pero hindi ko pa rin sinagot. Hanggang sa makarating na rin kami sa apartment ay agad na ring bumaba muna si Spencer.

"Why?" Taka pa akong tumitig sa kanya.

"Kailangan ko lang po masigurong safe kayo, Ma'am Ady," pormal naman ding sagot niya.

"I am safe here, Spencer. No need to worry about me," matigas pang ani ko. Sukdulan talaga ang inis ko.

"Pumasok muna po kayo, Ma'am. Mainam na pong nag-iingat."

"Can anyone tell me what is going on?" inis na sita ko pa habang matamang pinagmamasdan ang kanyang mga reaksyon. "Ano bang itinatago ninyo ni Sebastian sa akin?"

"Wala po, Ma'am. Naniniguro lang po."

Obviously, aral na aral siya ni Sebastian. Haist! Alam kong mahal niya ako but the fact na may itinatago pa rin siya sa pagkatao niya ay hindi ko pa rin maiwasang magduda sa feelings niya para sa akin.

"That's bullshit, Spencer!"

Haist! Damay damay na talaga ang lahat sa inis ko!

Hindi naman na nakakibo si Spencer at tahimik lang na sumunod sa akin sa apartment.

"Hindi mo na kailangang i-check 'yung loob dahil paniguradong wala namang magtatangkang pasukin 'to," nakasimangot na sabi ko.

"P-pero Ma'am..." Alanganin pa siya.

Inilabas ko ang aking susi at 'di nagpaawat na buksan iyon. Nang maibukas ko na ang pinto ay agad akong pumasok at hindi ko na rin siya binigyan nang pagkakataong makasilip sa loob.

"Diyan ka lang! Salamat and good night!" paalam ko pa sabay sarado sa pinto.

Sagad na sagad talaga ang inis ko ngayong araw!

Ugh! I hate you, Sebastian!

Matagal-tagal ding tumambay si Spencer sa labas ng apartment bago tuluyang umalis. Though, duda ako kung talaga bang umalis 'yun o kumubli lang. Pagcheck ko sa cellphone ko ay halos naka 30 missed calls si Sebastian.

Minsan, ikaw naman ang mapraning sa akin! Nakakainis ka talaga! Ugh!

Aakyat na sana ako sa kwarto nang mapansin kong parang may envelope na malapit sa may pinto. Halos hindi ko napansin iyon noong pagpasok ko kanina.

Baka credit card bill ni Nicole?

Agad kong kinuha ang envelope, pero surprisingly ay sa akin naka-addressed.

Hmm... kanino naman kaya galing 'to?Agad kong binuksan ang envelope at binasa ang letter...

My Dear Adison,

How well do you know your boyfriend Sebastian Greene?Are you even aware that he's been married to a woman name Doña Celestina Abriaga who was the same age as your Mom? Aren't you wondering how he gets so filthy rich for such a short time? Now is the time to ask him. Or will you just allow him to keep lying to you? Think about it, Adison.

Just A Concerned Friend

Kanino galing 'to?! Married? What the hell is going on?! What?!

Saglit akong nawala sa sarili dahil pakiramdam ko ay nawalan ng laman ang utak ko. Napasandal ako sa pinto at mariing napapikit. Kinalma ko saglit ang aking sarili bago ulit pagmasdan ang sulat at paulit-ulit na binasa iyon. Pero ang katagang married ay dumurog nang husto sa puso ko.

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon