Chapter 5.2.2 (Restricted)

611K 6K 165
                                    

CHAPTER 5.2.2 (Restricted)

ADISON


Tulad nang dati, sa isang fine dining restaurant ulit kami pumunta. But this time ay mas kaunti na lang ang kanyang inorder since siya na lang din ang kakain.

"Have you thought about my proposal?"

Oh, gosh! On-the-spot question talaga?!

"H-hindi ko pa rin alam, e." Kinagat ko ang aking labi upang pagtakpan ang nararamdaman kong hiyang 'di ko mawari. Relasyong puro sex lang? Mayroon ba n'on?!

"Hey..." He immediately tugged my chin and released my lip from my teeth." Stop doing that. You're tempting me to bite your lips." Oh. Shit.

"S-sorry..." Sobrang init nang pakiramdam ko sa aking pisngi. I want to bite his lips, too. Landi ko lang...

"But I was hoping you will reconsider."

"Sebastian..." Napabuntong-hininga ako." Can't you love me?"

"I don't do love, Adison. This is all I can offer for now. But I want this to work. I want you to live with me."

Napatitig lang ako sa kanyang mga mata na para bang umaasa talaga? Jeez, I wanted to say yes, pero naguguluhan pa rin ako. Paano kung magsawa siya kaagad sa akin? Saan na lang ako pupulutin?Ang lakas makapokpok ng offer niya! Haist...

"Puro aphrodisiac ang mga kinakain mo, a," pag-iiba ko ng topic at tinitigan ang mga seafoods na kanyang kinakain.

"I don't need aphrodisiac, Ady. I can do well in bed without it." Pilyo pa siyang ngumiti sabay ismid. And the way he said it, gosh, sobrang sexy!

Napalunok ako at nagkunwaring hindi affected sa kanyang sagot. Wala pa naman akong karanasan sa sex, pero bakit parang excited akong maranasan ngayon?! Nahawa na nga yata ako sa kalandian ni Nicole!

Nagpatuloy siya sa pagkain habang panay ang sulyap sa akin. Hindi ko rin maiwasan ang mapatitig sa kanya kasi naman sobrang gwapo talaga! Siya na yata ang may pinakamaamong mukhang nakita ko sa buong buhay ko.

"Enjoying the view, Ms. Lane?" nakaismid pang tanong niya.

"I think I am..." sagot ko naman sabay tipid na ngumiti.

Hindi naman din nagtagal ay nakatapos na rin siya. Nakakatuwa lang din siyang pagmasdan habang kumakain dahil ang gana-gana niya. Hindi talaga siya nakakasawang tingnan.

Matapos n'on ay nagpasya na rin naman siyang ihatid na ako sa apartment. Ayaw na raw niyang makaabala pa nang husto sa akin.

Nang lumabas kami sa kanyang sasakyan ay agad pa niyang hinawakan ang aking kamay at inihatid ako sa may pinto ng apartment.

"Thanks for accompanying me," nakangiti pang sabi niya habang magkahawak-kamay pa rin kami.

"You're welcome..." Tipid pa akong ngumiti. I don't want him to go.

"I wanted to kiss you... Can I?" parang nananantiya pa niyang tanong. Bakit naman ngayon pa siya nagpapaalam?!

"I-" Hindi ko na nagawang makasagot dahil bigla niya akong hinapit sa baywang at mariing hinalikan sa labi.

Once again, I couldn't help, but respond to his very hot and wet kisses. Our tongue twisting and I'd almost gone crazy!

"B-baka may m-makakita..." pigil ko pa dahil nasa labas lang kami ng apartment. Bigla kong naalala ang mga madidiwara kong kapitbahay!

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon