Chapter 20.2.2

443K 4.5K 279
                                    

CHAPTER 20.2.2

ADISON

Last day namin ngayon sa school and yeah, sem break na. Who would have thought na gan'un kadali lilipas ang dalawang linggo? Two weeks that seemed two years for me. Hindi rin ako kinakausap ni Ate nang patungkol kay Sebastian. Natatakot pa rin akong magtanong at baka kasi masaktan lang ako sa kanyang isasagot at gan'un din siguro ang pakiramdam niya sa akin.

"So, tuloy bang pag-uwi ninyo?" tanong pa ni Matt na kasabay kong naglalakad sa kahabaan ng campus.

"Oo..." Bahagya pa akong tumango.

Malapit kami ni Ate sa isa't-isa, pero parang ang layo rin namin at the same time.

"Will you be okay?" Inakbayan niya ako sabay pinisil ang aking ilong.

"I think so..." I bit my lower lip and sighed. "Thank you, huh... For cheering me up lately."

Mapait lang siyang ngumiti at matamang tumitig sa aking mukha.

"Aside from the fact that you're my friend," seryoso aniya. "I love you, okay? I'll always be here for you when you needed me."

Tumango ako at yumakap na lang sa kanya. Marahil kung hindi nga siguro siya nagpakatorpe noon ay baka naging kami na lang at hindi ako nasasaktan nang ganito ngayon. Pero ano pa nga bang magagawa ko? Si Sebastian pa rin ang pinakamagandang pangyayari sa buhay ko...

Inihatid ako ni Matt hanggang sa apartment. Five o'clock ang alis namin ni Ate pauwi ng Bataan. Excited na rin siyang makita ang Nanay.

"Ate..." pukaw ko pa sa kanya na noo'y halos kakatapos lang mag-impake ng mga gamit namin.

"Oy, Beh!" masayang bati naman niya sa akin sabay tingin kay Matt. "May kasama ka pala..."

"Si Matt, Ate, kaibigan ko," pakilala ko rin naman sa kanya. Tamang kilala lang niya si Matt at Nicole sa pangalan dahil noong napapatawag pa siya ay tamang naikukuwento ko silang dalawa.

"Oh, hi! Nice to finally meet you, Matt," masiglang sabi pa niya. Ipinunas pa ni Ate ang kanyang kamay sa suot na short bago abutin ang kamay ni Matt. "I'm Brianna, but you can call me Ate, too, if you want." Nakangiti pa siyang kumindat. Lumalabas pa rin ang pagiging playful niya.

"Nice to meet you too, Ate Brianna," nakangiting sagot naman din ni Matt. Obviously, mesmerized din siya sa beauty ng kapatid ko. Hindi ko naman siya masisi dahil captivating naman talaga ang beauty niya.

"Magmerienda ka muna, Matt. May niluto akong pancit canton," alok pa niya.

"H-hindi na po. Kakamerienda lang din namin ni Adeng." Kumindat pa siya sa akin. Iyon din kasi ang tawag niya sa akin para raw mabawasan naman ang kasosyalang tunog ng aking pangalan.

"Adeng, huh... interesting," nanunukso pang sabi ni Ate.

Seriously? Itinutukso ba niya ako kay Matt? Ugh!

"Ehermm..."

Halos sabay-sabay kaming napalingon sa pinagmulan ng boses...

Si Sebastian!

"Hi..." seryosong bati pa niya sabay titig sa kamay ni Matt na nakapatong sa balikat ko.

Nang bumaling ang tingin niya sa akin ay kumalabog ang puso ko. Nag-iwas ako nang tingin at hindi sumagot sa kanyang pagbati.

Ano bang ginagawa niya rito ngayon after two weeks nang pananahimik at pagsama-sama niya kay Ate Brianna?

"Sebastian, hey!" Si Ate Brianna na all smiles pang bumati.

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon