Chapter 24.3.3

386K 4.1K 48
                                    

CHAPTER 24.3.3

ADISON (RESTRICTED)

I am not surprised nang makita ko na si Spencer lang ang sumundo sa akin.

Haist... si Sebastian talaga...

Naiintindihan ko rin naman ang reaction niya, pero kasi hindi pa nga ako nakakatapos sa pag-aaral mag-aasawa na ako kaagad? Wala pa nga akong nararating sa buhay ko. Mahirap ba intindihin 'yun? Fine! As if kakailanganin kong magtrabaho kapag napangasawa ko siya?! Jeez, pero hindi naman pasarap sa buhay lang ang pangarap ko. Gusto ko ring may marating ako sa sarili kong pagsisikap.

Ano bang dapat kong gawin? Haist...

Nang makagpalit ako ng damit ay bigla kong napansin ang small black box sa may underwear ni Sebastian.

Shit... Could this be a ring?

Halos mangatog ang buo kong katawansa pagbukas ng box...

It's a diamond ring.

Seryoso talaga siya sa alok niyang kasal? Oh shit! Hindi pa talaga ako ready. Ano bang gagawin ko?

Think Adison! Think!

Kaya naman matapos kong makapag-isip ay agad akong lumabas ng kwarto para habulin si Tita Norma. Buti na lang din at naabutan ko pa siya na halos papalabas na ng suite.

"Ano bang dapat kong gawin, Tita? Naguguluhan ako..."

I really needed someone to talk to right now.

"Alam mo, Ady. Hindi mo kailangang pwersahin ang sarili mo kung hindi ka pa talaga handa," nakangiting aniya.

"Pero paano po si Sebastian?"

"Mahal ka ni Sebastian. 'Wag kang mag-alala," masiglang aniya sabay pinisil sa aking pisngi. "Natural lang na masaktan 'yun sa pagtanggi mo, pero mahal mo naman siya, 'di ba? Walang dapat mabago sa pakikitungo mo sa kanya. Iparamdam mo sa kanya na dapat siyang magtiwala sa pagmamahal mo."

"Paano ko naman gagawin 'yun kung iniiwasan niya ako?"

Ngayon pa nga lang na iniiwasan niya ako ay parang mapa-praning na ako. Halos kakatapos pa lang ng problema namin, eto na naman.

"Hindi naman galit 'yun. Nagtatampo lang," nangingiti pang sabi niya. "Hindi ka matitiis n'un. Papansinin at papansinin ka pa rin n'un. Takot lang niyang mawala ka!"

Napabuntong-hininga lang ako sa kanyang sinabi. Hindi ko pa rin alam ang dapat na isipin.

"Natatakot lang din siguro 'yun na tuluyan kang mawala sa kanya lalo pa nga't ang daming nangyari nitong mga nakaraan, 'di ba?"

"Kaya po ba gusto niya akong pakasalan?"

"Pakakasalan ka niya dahil mahal ka niya. Kung nakita mo lang kung gaano ka-miserable si Sebastian noong layasan mo siya... Kaawa-awa..." Napabuntong-hininga pa siya. "Sa ngayon, ang maipapayo ko lang ay 'wag mo sabayan ang mood niya. Lilipas din ang page-emote ng batang 'yun."

"Thank you po sa pakikinig, huh." Hinawakan at pinisil ko ang kanyang kamay. Ang hirap din kasi dalhin ang lahat nang nag-iisa.

"Basta para kay Sir Sebastian, okay ako... Gusto ko lang ulit makitang masaya ang batang 'yun. So, paano ba? Iwan muna kita rito, huh."

"Sige po. Salamat ulit."

"Walang anuman 'yun." Kumindat pa siya bago tuluyang lumabas ng suite.

He loves me and I love him...

Kaya namin 'to.

Kaya mo 'to, Ady!

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon