Chapter 34.2.2

367K 3.9K 149
                                    

CHAPTER 34.2.2

SEBASTIAN

Medyo nadismaya ako nang sabihin sa akin ni Adison na hindi pa siya ready magka-baby kami. I knew she's not ready and I understand that. It's just, maybe I get over excited and I expect too much?

Jeez, Sebastian! It's no biggie! Move on!

"Sir, may bisita po kayo. Ms. Winona Jacinto raw po." Si Keisha.

"Winona?" Huh? Her name sounds familiar, but I can't remember.

"Yes, Sir." Tumango siya at alanganing napatitig lang sa akin habang naghihintay ng sagot ko.

"Send her in."

I decided finally.

Hindi naman din nagtagal ay pumasok na nga 'yung babae kasunod ni Keisha.

Holy Shit!

"Ona?"

"Winona for you, Mr. Greene!" Ngiting-ngiti pang aniya at nagtatatakbong lumapit sa akin!

Sinalubong ko rin naman siya nang yakap.

It's been what? Eight years I guess since the last time I saw her!

She's my closest friend in college. Iyon nga lang, months before me and Brianna broke up ay nakaalis na siya papuntang America para doon makapagpatuloy nang pag-aaral niya.

"Gosh, namiss ko ang gwapo kong bestfriend!" Mahigpit pa rin siyang nakayakap sa akin.

"Yeah, I miss you too." Hinagud-hagod ko ang kanyang likod at noon na siya bumitiw nang yakap sa akin.

"Ikaw, huh! Ang dami na pa lang nangyayari sa'yo hindi mo man lang ikinukuwento sa akin! Tapos nagpakasal ka rin hindi mo man lang ako in-invite!" nanghihinampo pang aniya at kuntodo irap!

"It's complicated you know..." Napailing lang ako at bahagyang napakamot ng batok. "You look pretty kumpara dati," biro ko pa.

"Ang sama nito! Tsss..." Umirap lang ulit siya at malakas akong hinampas sa braso.

"Man, you looked really rich! Who would have thought mas yayaman ka pa sa akin?!" Bahagya pa siyang dumistansya sa akin at nagmasid sa palibot ng office. "Nabasa ko 'yung article tungkol sa'yo noon. Akala ko nananaginip lang ako, iyon pala ikaw talaga 'yun! Tapos nagbago ka na rin pala ng number hindi mo man lang ibinigay sa akin 'yung bago! Hindi ko tuloy alam kung paano kita kokontakin! Tsss... tapos 'di pa yata uso sa'yo ang FB, Instagram or Tumbler man lang!"

Madaldal pa rin siya at iyon ang sigurado.

"I didn't have time for that social networking sites." Napakamot lang ako ng batok. "And yeah, I lost my phone at hindi ko rin tanda ang number mo."

"Matalino kang tao, pero phone number ko lang hindi mo pa natandaan?!" Umismid siya at naupo sa sofa.

"Hindi ko napagtuunan nang pansin since naka-save naman sa contacts ko." Naupo na rin ako sa kanyang tabi.

"So, who's the lucky girl? All along I thought kayo na talaga ni Brianna ang magkakatuluyan. Grabe pagka-inlababo ninyo sa isa't-isa, e."

"Oo nga... Akala ko rin." Umiling-iling ako at isinandal ang sarili sa couch.

"So, sino siya?"

"Her name is Adison."

"Adison..." Dahan-dahan pa niyang binigkas ang pangalan ng asawa ko. "Her name is pretty..."

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon