Chapter 22.1.3

437K 4.5K 95
                                    

CHAPTER 22.1.3


SEBASTIAN

May kung ilang araw din akong nanatili sa Bataan bago pa man ako magdesisyong mauna pa-Maynila. Gusto ko man sana makasama pa nang matagal si Adison kaso lang ay gusto ko rin namang ma-enjoy niya ang quality time kasama ang pamilya niya. Medyo umiwas na rin si Brianna sa akin which is good for me. Ayoko na rin naman kasing mabigyan pa siya nang pag-asang magkakabalikan kaming dalawa.

I knew what I want.

Si Ady lang 'yun at wala nang iba.

"Sir, may problema po tayo." Si Spencer na agad pang may ibinigay na envelope sa akin.

"Hmm..." Kinuha ko ang envelope at agad na binuksan iyon. It's a threat letter concerning about revealing my past. "Kailan pa 'to?"

"Ang sabi ni Norma, two days na niyang hawak 'yan. Iniwan lang sa tapat ng main door ng penthouse."

"Check mo ang CCTV. We'll definitely get some clues sa identity nitong gagong 'to. And yes, doblehin mo pa ang security. Ipagkakatiwala ko na sa'yo 'yun, Spencer."

What a great way to start my week!

"Okay, Sir." Tumango siya at muli kong iniabot sa kanya ang letter.

"Okay ka lang ba, Sir?"

"Okay lang ako, Spencer. Thank you." Tumango ako at umalis na rin siya.

Kung tutuusin ay wala naman akong itinatagong masama sa nakaraan ko. Mas lamang siguro ang ikinakahiya. Dahil kaya lang naman ako yumaman ay dahil sa pagpapakasal ko kay Celestina. Si Celestina na kasing edad ng Nanay ko. Pang lima ako sa lalaking pinakasalan niya at ako lang din ang totoong nagtagal sa kabila nang pangbababoy na ginawa niya noon sa akin. Tiniis ko lahat para sa kayamanan niya. Nagtagumpay naman akong makuha 'yun, pero nabago na rin ang pananaw ko sa buhay simula noon. Nabago lang ako nang pagmamahal ni Adison ngayon. At kung anuman ang tangka nitong misteryosong tao na ito ay nakakalamang na pera lang din ang kailangan niya.

Halos one week din kaming naging abala ni Spencer sa pag-iimbestiga kung kanino galing ang misteryosong letter. Sobrang nainip ako sa paghihintay sa pagbabalik ni Adison, pero sinundo na siya ni Spencer sa Roxas Port.

I missed her so much.

Hindi na katulad nang dati ang buhay ko na puro hinanakit at lungkot lang. Masaya na ako ngayon. Masayang-masaya.

"Hello, Sir..." nakangiting bungad pa ni Adison.

That sight of her on my office door is enough to flutter my heart.

"Hello, Gorgeous." Agad akong tumayo mula sa aking swivel chair at mabilis siyang nilapitan sa pinto. I immediately grabbed her by the waist and kissed her intensely. "You don't know how much I missed you, Baby..."

"Your kiss can tell, Sir." Hinaplus-haplos niya ang aking buhok at malagkit akong tinitigan sa mukha.

"Where's your sister?"

"Nagpaiwan na siya d'un," nakangiting sagot pa niya.

"Oh, really? That's good news then." I pressed her body against mine. I wanted her to feel how much I longed for her.

"Ohh..." Pilya pa siyang ngumiti. She got my point. Clearly. "I missed you too, Mr. Greene."

Napangiti lang ako at muli siyang hinalikan sa labi.

"Wait, bakit parang nadagdagan ang security mo ngayon?"

She's really smart.

"Wala naman. I just thought it is necessary."

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon