Chapter 1

749K 9.2K 604
                                    


CHAPTER 1

SEBASTIAN

I am totally fucked up right now!

With all the paper works and major problem with the client, my life seemed to be the most boring. Though I can't complain. Ginusto ko itong mangyari. Ginusto ko ang buhay na mayroon ako ngayon. Money and power are all that I needed to keep me going. That's all that I needed.

"Sir, sira po ang private elevator," nag-aalangang sabi pa ni Spencer habang nagkakamot ng ulo. Alam niyang kahapon pa ako wala sa kundisyon. It's quite exhausting to be The Great Sebastian Greene.

"Hindi pa ba naayos 'yun kahapon?" nakakunot-noong tanong ko pa. Masyadong mabilis mag-init ang ulo ko sa maliliit na detalye. Naging perfectionist na nga yata ako.

"Matatapos daw po 'yun ngayon, Sir. Pasensya na raw po." Natatakot pa siyang yumuko at ni hindi makuhang tumingin nang diretso sa akin. Alam nila kung papaano ako magalit.

"May magagawa pa nga ba ako, Spencer?" Umismid ako at rumehistro ang pagka-ilag sa kanyang mukha.

"Wala po..." Bahagya pa siyang umiling at alanganing nagbigay daan patungo sa public elevator.

Humugot ako nang malalim na buntong-hininga at nagdiretso papunta sa public elevator kasunod ang ilang security guards.

Pagkakita pa lang sa akin ng mga empleyado ay agad na silang nagsipaglabasan sa loob ng elevator at nagsipagbatian. Hindi naman ako masungit na Boss sa aking mga empleyado, pero hindi rin ako ang tipo na malapit sa kanila. I worked professionally at all times.

"Miss!" tawag pa ni Spencer sa babaeng nakatalikod. Mukhang wala siyang kaide-ideya sa nangyayari.

"It's all right, Spencer." Bahagya pa akong umiling at nagdiretso papasok sa loob.

Agad kong pinindot ang button sa floor ng aking opisina at agad namang nagsara iyon. Wala pa ako sa sariling tumitig sa babaeng mukhang wala pa ring kaalam-alam at nananatiling nakatitig sa labas.

Noon ko na lang napansin na naka-headset pala siya at mahina pa siyang napapasabay kumanta. At kahit hindi ko pa nakikita ang kabuuan ng kanyang mukha ay alam kong maganda siya. Hindi rin siya naka-uniporme at mukhang hindi ko rin siya empleyado. Then what is she doing on my building then, huh?

Hindi pa man kami nangangalahati sa pag-akyat nang biglaang huminto ang elevator sa gitna. What the fuck?!

Mahigpit akong napahawak sa metal railings at tiim-bagang na dinukot ang aking cellphone sa bulsa. Agad kong tinawagan si Spencer at hindi ko na naman naiwasan ang magtaas ng boses! Like seriously?! A well-known company puro sira ang elevators?!

"What the fuck happened, Spencer?!"

"S-sir, 'di ko po alam! Check ko po, Sir! Sorry, Sir!" taranta pang sabi niya at sa boses pa lang ay parang tumatakbo siya kung saan. What could be worst than this, huh?!

Irritable kong ibinaba ang aking cellphone at isinuksok ulit iyon sa bulsa. Noon ko na lang napansin na nakatitig sa akin ang nag-iisang babaeng kasama ko sa elevator. Nakarehistro ang gulat at takot sa kanyang mukha at mahigpit ang hawak sa metal railings.

"We'll be fine, Miss," kalmado ko pang sabi at wala naman siya sa sariling tumango. Oh God, she's beautiful! I never expected that she'll be so damn beautiful!

"Oh, God..." sambit pa niya habang tila naghahabol nang hininga na sumandal at agad na namutla.

"Hey..." Mabilis kong isinara ang pagitan sa aming dalawa at hinawakan ang kanyang mga kamay. She's so cold!" You need to relax...We'll be fine."

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon