Chapter 32.1.2

386K 3.8K 101
                                    

CHAPTER 32.1.2

SEBASTIAN

After that shooting incident in my own building ay mas lalo akong nag-alala para sa safety ng asawa ko. Hindi ko naman siya mapilit na sa company ko na lang din magtrabaho dahil paniguradong pag-aawayan na naman namin iyon.

Good thing ay pumayag na rin siyang bibisitahin ni Raul sa loob ng office niya from time to time. Though alam kong hindi siya comfortable sa ganoong set-up dahil masyado raw siyang takaw-pansin. Masakit sa ulo alagaan ang asawa ko, pero dahil mahal ko siya ay iniintindi ko na lang talaga.

"My wife..."

Nanlalaki pa ang mga mata niyang tumitig sa akin. Akala mo ba nakakita ng multo.

It was a surprise visit since I knew that I won't be an intruder on her work it because it was lunch time.

"What are you doing here?!"

Yeah, she's really surprise. Her reactions said it all.

Happy or pissed... I really couldn't tell.

"Am I not allowed to visit you?"

Jeez, natatakot ba siyang matanggal sa trabaho dahil sa pagbisita ko?

"You should have told me para naipaalam ko man lang sa Boss ko," taranta pang sabi niya.

"Raul did take care of that. You don't need to worry." Pampakalma ko pa.

Inikot lang niya ang kanyang mga mata.

"Hindi mo talaga mapigilan ang pagiging control freak mo kahit sa ibang opisina, 'no?" Nagpamaywang siya at nagtaas ng kilay.

"So, you don't appreciate me being here, huh?" nanghihinampo pang sabi ko.

"Of course not, Baby." Agad pa siyang lumapit sa akin at kinamut-kamot ang tiyan ko. I actually love it when she do that. "Pero kasi nahihiya lang naman ako sa mga Senior dito sa workplace ko. Baka sabihin nila masyado akong pa-importanteng tao."

"Jeez, Adison, you're Sebastian Greene's wife. You're a very important person. Believe me." Hinawi-hawi ko pa ang kanyang buhok.

"Oh my God. . ."

Sabay pa kaming napalingon sa nagsalita. Titig na titig siya sa akin na para bang kinakabisa ako mula ulo hanggang paa. Pagkunwa'y ibinaling rin niya ang tingin sa asawa ko.

"Asawa ka ni Sebastian Greene, Ady?!" gulilat pang tanong noong babae.

Diretso akong tumitig sa aking asawa at nagtaas ng kilay.

"Huh, e..."

Nag-aalangan ba siya?! Huh?!

"Carol, husband ko, si Sebastian," nahihiyang pakilala pa niya.

She's left with no choice, huh?

"No. Shit!" Lumipad ang kanyang mga palad sa bibig sa sobrang pagkagulat. "Naku, ang gwapo n'yo po pala sa personal, Sir!" Agad pa siyang lumapit sa akin at nakipagkamay. "Carol po, Sir."

"Sebastian Greene. . ." Tipid akong ngumiti. 'Yung ngiting sapat na para kiligin siyang lalo at magselos ang aking asawa. Sumulyap ako kay Adison na umirap lang sa akin at ngumuso.

"I can't believe this! Shit!" maligayang sabi pa ni Carol. Nakikinita-kinita ko si Norma sa kanya. "Ang daya mo, Ady!" maktol pa niya sa asawa kong nakasimangot lang.

"Marami ka pang gagawin, 'di ba, girl?!" pasimple pang pagtataboy ng asawa ko sa ka-opisina niya.

"Wala 'no, lunch time nga, 'di ba?" nakairap pang sabi niya.

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon