Chapter 30.2.2

381K 3.9K 62
                                    

CHAPTER 30.2.2

ADISON

Palabas sana ako ng suite para sunduin na sana ang gwapong husband ko dahil gabi na rin at naiisip kong baka masyado nang nilalasing ng mga Tatay ang asawa ko. Matagal-tagal na rin kasi siyang hindi umiinom kaya baka hindi na makatayo 'yun! Pero saktong paglabas ko ng suite ay agad kong nakita sina Sebastian at Ate Brianna na nag-uusap. Napaatras akong bigla sa pinto, pero naririnig ko ang pinag-uusapan nila.

"H-indi mo na ba talaga ako mahal, Sebastian?"

Ano raw?! Napakuyom palad ako at nagpigil na sumugod.

"What the hell are you talking about?!"

At kahit hindi ko nakikita ang reaksyon ni Sebastian ay alam kong naiirita siya sa tanong na 'yun ng kapatid kong ewan!

"You love Adison like the way you used to love me."

I couldn't this. Ugh!

May balak pa ba siyang agawin ang asawa ko sa akin?! Gan'un na ba siya kadesperada?! Shit!

"Used! Brianna... Past tense! Fuck!" galit na sagot pa ng aking asawa.

My Sebastian...

He really loves me. Natutuwa ako sa mga isinasagot niya.

"I thought kaya kong kalimutan ka, Sebastian... but no, I can't..." Pumikit ako nang mariin at pilit pa ring kinalma ang sarili.

Nababaliw na talaga siya! Nang silipin ko sila ay talagang humahawak pa siya sa asawa ko!

"Fuck, Brianna!" he cursed.

Maingat akong sumilip at kahit pa parang tagilid na ang kanyang pagtayo ay panay pa rin ang hawi niya ang kamay ni Ate.

"I love my wife! Please try to absorb that in your thick skull, will you?!"

"Sebastian..." Hinawakan ulit niya si Sebastian na buong todong tinabig ulit ang kamay ni Ate.

"Please don't touch me!"

He's really pissed.

"Please... I love you..." Nagtangka ulit siyang hawakan si Sebastian, but that only made him fuming mad!

"I. Said. Don't. Touch. Me! What is it that you don't fucking understand?!" sigaw pa niya.

Saglit kong kinalma ang aking sarili bago magdesisyong lumabas na sa suite.

"Sebastian, Baby!" malakas namang tawag ko sa asawa ko, pretending like I didn't hear anything from their conversation.

Agad naman siyang napalingon sa akin.

"B-aby..." Alanganin pa siyang sumulyap kay Brianna.

Alam kong hindi maiwasan ni Sebastian ang mag-alala. Alam niya kung gaano rin ako kaselosa. At kahit pa halos matumba na siya sa paglalakad ay sinalubong pa rin niya ako.

Si Ate naman ay agad ding tumalikod at pumasok na sa suite nila.

Aish! Sarap manabunot ng kapatid! Kung hindi lang siya matanda sa akin, naku!

"You're drunk..." wari ay galit pa ako sa kanya.

Drama ko lang...

"Yeah... Pinagtulungan ako ng mga Tatay. Si Spencer naman ang hinarap nila ngayon," paliwanag din naman niya. Diretso pa naman siya magsalita, lakad lang ang hindi.

"Come on..." Agad ko rin siyang niyakap sa baywang at umakbay naman siya sa akin. Amoy na amoy ko na talaga ang alak sa kanya.

"I'm sorry, Baby..." bulong pa niya.

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon