Chapter 25.2.2

388K 4K 71
                                    

CHAPTER 25.2.2 (Continuation)

ADISON

"Baby! Baby! Wake up!"

Nayanig ang aking buong katawan dahil sa malakas na pagyugyog sa akin...

Si Sebastian!

"Sebastian?" Oh God, it's only a dream! "Are you okay?" Wala ako sa sariling hinaplos ang kanyang mukha at kasabay noon ay ang pangingilid ng aking luha.

It's just a dream! Thank God!

"I'm okay, Baby... I'm okay..." pag-aalo pa niya sabay mahigpit akong niyakap.

I thought I lost him.

My Sebastian... My Love... My Baby...

"A-anong nangyari?" nag-aalala pa ring tanong ko. Kahit pa ganoon ay hindi ko pa rin naiwasan ang maiyak. "P-paano-?" Hindi ko na malaman ang mga itatanong ko sa kanya.

"Ssssh..." Umiling-iling siya at dinaanan ng daliri niya ang aking labi. Matapos noon ay pinunasan na rin niya ang luha ko. "I am so sorry... Pinag-alala kita..."

"Bumagsak ang helicopter mo. Tapos hindi kita makontak. Pati na rin si Raul hindi ko makontak! Ano bang nangyari?!" sunud-sunod ko pang mga tanong na mas nakapagpangatog sa aking buong katawan. I almost lost him!

"I still don't know what happened... Doon ako sumabay sa helicopter na dala ng Japanese client ko. My battery is dead and Raul left his phone on the helicopter. I was really surprised nang makita kong ang daming media sa labas. And when I got here, everybody's crying. Tumawag rin sina Nanay, and they were also crying...And you- Haist..." lutang pang kwento niya kasunod ang malalim na buntong-hininga. Hinahaplus-haplos niya ang aking pisngi na tila man siya ay kakagaling lang din sa isang masamang bangungot. "I am really sorry, Baby..."

"Ssssh... Stop apologizing. Wala namang may gusto sa nangyari. Ang importante buhay ka..." Muling umagos ang aking mga luha. "A-at hindi mo ako i-iniwan..."

"Hey... I am not leaving you. There is no way I am leaving you," paniniguro pa niya at umiiyak naman akong tumangu-tango. Yumuko siya at mabilis akong hinalikan sa labi. "Your lips is so soft... Kanina ka pa umiiyak?"

Tumango lamang ako bilang sagot. Kung nalalaman lang niya kung gaano ako ka-miserable kanina. Parang namatay rin ako.

"I can't live without you, Sebastian... You are my life."

"You are my life too, Baby..." pabulong din namang sabi niya at niyakap lang ulit ako nang mahigpit na mahigpit. He was still wearing his suit and tie.

"Si Raul? 'Yung pilot mo? Kumusta sila?" Tiningala ko siya habang naghihintay sa kanyang sagot. Amuy na amoy ko ang panlalaking amoy niya na sobrang haling na haling ako.

"Raul was with me," malungkot pang sabi niya bago bumuntong-hininga. "But sadly, my pilot did not make it."

"My God..." Agad na lumipad ang aking mga palad sa bibig.

Gumuhit ang lungkot sa kanyang mga mata at parang dinudurog ang puso ko sa awa. Niyakap ko siya nang sobrang higpit at pinakinggan ang tibok ng kanyang puso. Kung hindi siya nakasama d'un sa Japanese client niya ay hindi ko na rin siguro siya kasama ngayon.

Thank God...

"P-paanong bumagsak ang helicopter mo?"

"We still don't know yet..." Bahagya pa siyang umiling. "I am still a lucky guy," malungkot pang dugtong niya.

"I am so scared... I really thought I lost you." Mas lalo kong idinikit ang mukha ko sa kanyang dibdib. I wanted to hear his heart beat...

My Sebastian is alive...

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon