Chapter 32.2.2

367K 4.3K 281
                                    

CHAPTER 32.2.2

ADISON

Exactly six p.m. nang sunduin ako ni Sebastian sa office. At tulad nang dati ay talk of the entire building ako!

Jeez, daig ko pa ang mga sikat na celebrity!

Tanong dito, tanong doon! Kaplastikan dito, kaplastikan doon! Kaka-stress!

Ang hirap na nakadugtong ang pangalan ng asawa ko sa akin, but then again, pinili ko 'to. And yeah, mahal na mahal ko ang asawa ko. Siguro nga, panahon na rin na hindi ko na lang pansinin pa ang mga nasa paligid ko. Hindi ko kakayaning mawala sa akin ang asawa ko at wala nang mas importante pa roon.

"Sebastian!"

Papasakay na lang sana kami ng sasakyan nang maulinagan namin ang boses na 'yun!

Jeez, sabi ko na nga ba, e. May something fishy sa Julien na 'to! Hmp!

"Julien..." seryoso namang tumango ang asawa ko at alarma akong tinapunan nang tingin.

"Gosh, akala ko ay hindi ko na kayo aabutan," hihingal-hingal pang sabi niya.

Seriously, hinabol ba niya kaming mag-asawa? I mean, hinabol ba niya ang asawa ko?

"Is there anything I can do for you?" pormal pang tanong ni Sebastian sabay tipid na ngumiti. Of course, kahit pa nagtanong siya nang gan'un ay wala sa hitsura niya ang interesado!

Good boy...

"Uhm..." Alanganin pa siyang napatingin sa akin. "Can I talk to you in private?"

Private?! Seriously?! I tried really damn hard not to roll my eyes.

"You can tell me now, Julien. I am not keeping secrets with my wife."

Nice one, my husband!

"Oh..." Disappointment crossed her face.

Ano bang agenda ng Boss ko na 'to?

"N-othing... I just wanted to ask if maybe we can go o-ut sometime as old f-riends... To catch up..." sabi pa niya na nakapagpalaglag ng panga.

Nilalandi ba niya ang asawa ko?! Kapal din naman ng mukha niya, huh! May asawa na nga! Asa ba siyang lalabas ang asawa ko kasama siya?

"That would be a nice idea..."

Excuse me?

Napangiti lang sa akin ang asawa ko at hinapit ako sa baywang. "Pero selosa 'tong asawa ko..."

Buti naman at alam mo!

"And yeah, I don't think I'll have time after work dahil asawa ko na ang inaasikaso ko right after."

Really good answer, husband!

Hindi na ako kumibo at sa halip ay niyakap ko na lang din siya sa baywang. Napangiti lang siya sa aking ginawa at pasimpleng ipinaramdam ang kanyang harapan sa tiyan ko! Nanlaki ang mga mata ko at nakakaloko lang siyang ngumiti.

Jeez, pervert!

"But then, I'll look up to my schedule," pormal pa ring sabi niya.

Alam ko namang pampalubag loob lang niya 'yun. Knowing him, alam kong umiikot lang ang mundo niya sa akin. At masaya akong gan'un niya ako kamahal.

"S-ure... I'll be looking forward to that," mapait pang sabi ni Julien.

Sorry, girl... You're months late!

"Ingat kayo sa pag-uwi. I'll see you tomorrow, Ms. Adison," baling pa niya sa akin. Akala ko ay hindi na niya ako mapapansin.

"See you tomorrow, Ma'am." Tipid lang akong ngumiti at bahagya ring tumango.

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon