47. Adventure

202K 7K 2.2K
                                    

#WBMF


Chapter 47

From: Tyrone

Ako na ang humihingi ng pasensya sa inasta ni Reishel. Sorry, Misty.

Umagang-umaga ay 'yong text message agad ang nabungaran ko pagkacheck ng phone ko. Nagdadalawang-isip ako kung ano ang irereply ko. Pakiramdam ko kasi, ang pagsumbong nina Sab at Eunice tungkol sa nangyari nung isang araw sa amin ni Reishel ang magiging simula ng gulo sa pagitan namin. Hindi ko naman masisisi si Reishel kung ganu'n nalang siya umasta against me. She must be still so much in love with Tyrone.

Ganun nga siguro talaga kapag sumobra sa pag-ibig, 'no? Nakakabaliw.

In the end, hindi ko nalang ni-reply-an ang message ni Tyrone at ibinalik ko nalang ang phone sa bag ko. Kakausapin ko nalang siguro siya mamaya. Mas mabuting magkausap nalang kami sa personal.

Monday na ngayon. Dalawang araw na rin ang nakalipas nu'ng na-cancel ang date namin ni Zion. Second semester is officially starting today. Back to reality na, kaya naman ay maaga akong gumising para maghanda sa unang araw ko sa second semester. Fully-dressed na akong lumabas ng kwarto at dumiretso sa kitchen nang maabutan kong nag-uusap ang tatlo sa mga kasambahay namin. They must have not noticed my presence dahil tuloy-tuloy lang sila sa pag-uusap. Hindi ko alam kung ano'ng nagtulak sa akin para magtago sa pader na malapit sa doorstep at nag-eavesdrop sa kanila.

"Hindi ko nga rin alam kung bakit ayaw sabihin ni Sir kay Ma'am Misty e. Aba, hindi biro 'yon ah."

Napakagat ako sa labi nang banggitin nila ang pangalan ko. Sir? They must be pertaining to my father. Nangangamba tuloy ako. Anong 'yong ayaw sabihin ni Dad sa akin?

"Kaya nga e... Wala tuloy kaalam-alam si Ma'am Misty pagkauwi niya galing sa bakasyon."

"Kayo talaga. Tama na nga 'yang pagchichismisan niyo. Baka marinig pa kayo ng mga amo natin! Hala, sige. Maglinis na kayo sa garden!"

"Manang naman. Ikaw ba, hindi mo ba sasabihin kay Ma'am Misty?"

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Gusto ko sana silang harapin para itanong kung ano ang pinag-uusapan nila. Para bang sa loob ng pamamahay na ito ay ako nalang ang walang alam tungkol sa kung anumang 'yon.

"Good morning, baby!"

Nabigla ako sa boses na narinig ko. Si Dad pala, kakapasok lang ng dining area. Nakangiti ito at masiglang dinaluhan ako para bigyan ako ng mabilis na yakap saka niya ako pinaghila ng upuan sa dining table.

"Anong ginagawa mo dyan? Maupo ka na dito. Join me for breakfast," he said and so I sat down on the chair he pulled for me. Naupo rin naman siya sa head ng table. As if on cue, nagmamadaling nagsilabasan mula sa kitchen ang mga kasambahay.

Pasimple kong tinitigan si Dad. Nababahala tuloy ako sa narinig kong usapan kanina. Ano bang problema kay Daddy? Mukha namang wala siyang tinatago sa akin e. Everything is normal. Pinagmasdan ko pa ng mabuti ang mukha ni Dad. I've just noticed that his eyes were sunken and he seemed to be looking tired. Was it just me or his skin was a bit pale?

"Hey, Misty. Kain ka na..."

Napakurap ako nang magsalita si Dad. He was giving me an eye-smile while sipping on his coffee. I shook the thought off my head. Napaparanoid lang siguro ako. Lagi namang stress si Daddy tungkol sa pagiging shareholder niya. Hayy..

I coughed so as to attract Dad's attention na nagawa ko naman dahil tumingin siya sa akin. "Kamusta po yung bowling time niyo nina Tyrone at Zion? Did you have fun?" I took this chance to ask about it right now. Hindi ko kasi nakausap si Dad kahapon. He was out all day.

[Book 1] Warning: Bawal Ma-fall Where stories live. Discover now