8. Guilty

268K 8.5K 1.4K
                                    

8. Guilty

"I can't breathe! Oh my gosh. Mahihimatay yata ako. Catch me, Chararat! Catch me!"

Pok! Binatukan ko nga siya. "Subukan mo lang. Ipaghuhukay agad kita ng libingan mo at nang maidiretso kita dun." Itong Badaf na 'to, kahapon pa naghihysterical. Hindi nalang kumalma. Pati tuloy ako nagpapanic na.

"Awtsu ha! Nagulo mo ang hair-do ko," reklamo niya habang inaayos yung bangs niya.

I rolled my eyes on him. "'Wag ka ngang mag-panic. Hindi naman niya siguro tayo nabuko."

Kasalukuyan kaming nasa classroom nun. Umalis saglit si Sir para bigyan kami ng 20 minutes review sa quiz niya. Okay lang yan. English lang naman e. Parang recap lang ng pinag-aralan namin nung highschool kaya hindi na ako masyadong nagreview. Kaya heto kami ngayon ni Badaf, lumabas muna saglit at tumambay dun sa corridor.

"I know right!" Napangiwi ako sa tining ng boses niya habang nag-sa-sightseeing sa mga estudyanteng nasa ibaba. "Nasapul lang naman ako sa status niya, pero keri-boom boom lang. Sabi naman niya 'sa nag-hack sa facebook ko' diba? Eh hindi naman tayo yung naghack sa kanya."

"Baliw." Kung hindi niya sinabihan si Kuya Toffer na i-hack yung FB ni Mikorin, hindi naman niya yun i-hahack.

"Nagpaka-specific siya e. Isipin nalang natin si Kuya Toffer yung pinapatamaan niya. Hihi!" Napansin kong natigilan siya saglit sa paghagikhik habang nakatingin sa gilid ko. "Andyan na si Sir!" bulong niya kaya tumakbo na kami pabalik sa classroom.

The quiz was successfully done. Out of 40 items, nakakuha ako ng 38 points. Si Badaf naman, nakakuha ng 39 points kaya ang bruha, grabe nalang manghinayang. One point nalang daw kasi, mapeperfect na niya.

"I kennot, Chararat! Sayang!"

Hinayaan ko lang siyang mag-drama habang naglalagay ako ng face powder sa mukha ko. Yung ibang classmates namin nagsisilabasan na ng room. "Hayaan mo na. Better luck next time nalang. Mas mataas ka nga sa akin e," sabi ko nalang.

"Hindi ba pwedeng i-consider 'to? Namali lang ng spelling e pero yun pa rin naman yung sagot!"

"Zion." Bigla nalang sumulpot sa harapan namin si Eunice. All smiles as always. "Pwede ko na bang kunin yung quiz? Irerecord ko kasi e."

Napatingin tuloy kami sa makapal na papel na hawak niya. Ay, oo nga pala. Siya ang secretary ni Sir sa subject na ito. "Here's mine," sabay abot ko sa kanya ng akin.

"Eh sayo, Zion?"

Umakto namang parang na-shock si Zion este ni Badaf. Ano ba 'yan, nahawa tuloy ako kay Eunice. "Pwede ba, Eunice. Stahp it. Medyo nakakaimbey yung pagtawag mo sa akin ng 'Zion'."

Siniko ko naman si Badaf nun. Ghaaad! Baka maoffend si Eunice. Masyadong direct to the point e, pero buti nalang nakangiti pa rin si Eunice nun. I don't think she finds it offensive. "Eehh! Cute kaya. Pang-gwapo yung name mo, bagay sayo."

OA na napasinghap na naman si Badaf. "Ha! Oh... my... ghad! Itetch na nga ang quiz ko and shoo... poof disappear ka na! Hindi kita ma-take."

Sumingit na ako sa pagitan nilang dalawa. Grabe naman kasi makapagsalita si Badaf. Buti nga, nakikipag-usap sa amin si Eunice. "Uh, Eunice... 'Wag mo nang intindihin si Badaf. Bitter kasi sa score niya e."

"Ay, bakit?" Tinignan niya yung quiz ni Badaf tapos ngumuso lang. "Oh, isa lang mali? Ang galing mo naman!"

"Nagkamali siya ng spelling," sabi ko. Ngumiti naman siya kay Badaf nun. As in, nilagpasan niya ako ng tingin. Hello, I am here!

"Don't worry, nagkamali lang pala ng spelling e. Ako nang bahala dito, Zion."

"Really?" Nag-sparkle naman ang mga mata ng Badaf. Teka nga, tumabi ako saglit. Pinakatitigan ko siya. Ito na ba ang sign para ituloy na finally ang mission ko?

[Book 1] Warning: Bawal Ma-fall Where stories live. Discover now