49. No Wonder

198K 6.3K 1.3K
                                    

#WBMF 

Chapter 49

Naninibago ako kay Tyrone. Simula kasi nung araw na nagkausap kami ng masinsinan sa clinic ay mas lalo siyang nagpurisge sa panliligaw sa akin. Sa pagtulog at pag-gising ko ay message agad niya ang bumubungad sa akin. Kung minsan pa ay sinusundo niya ako kapag dismissal, kapag hindi conflict sa schedule niya. One week. . . It's been a week since I told him to stop wooing me. Ngunit wala yata sa bokabularyo niya ang sumuko. Mas lalo pa nga yata siyang nagseryoso ngayon.

Kasalukuyan kaming nasa labas ng Business College ngayon. Kasama kong nakaupo sa stair steps ng building sina Sab at Eunice. Pangalawang week na namin sa second semester at heto kami, wala pang masyadong ginagawa. Sa katunayan, absent pa nga ang prof namin sa Finance kanina. Si Zion naman ay hindi ko alam kung saan nagpunta. Bigla nalang kasing nawala iyon nang maglabasan na kami sa classroom kanina.

"Wala yata si Tyrone, 'no? Conflict siguro sa schedule," puna ni Sab nang nakatingin sa akin. "Naninibago na talaga ako du'n kay Tyrone. All of a sudden, bigla nalang siyang nagseryoso sa panliligaw. Ano bang nangyari?"

Tila nag-aabang din si Eunice sa sasabihin ko. Hindi ko pa nasasabi sa kanila ang nangyari last week. Ni 'yong tungkol sa nangyari kay Dad ay hindi ko na nasabi. I don't think I should tell them that anyway. Besides, tapos na rin naman iyon at nalagpasan ko na kasama si Zion.

Umiwas ako ng tingin at pinaglaruan nalang ang sarili kong mga daliri. "Pinatigil ko na kasi siya sa panliligaw." Suminghap sila. Bumuntong-hininga naman ako. "Pero sabi niya, hindi raw siya susuko."

"Oh, my gosh! Pinatitigil mo na siya? So, ibig sabihin. . ." Sab paused and then they both looked at each other with gaping mouth. "Sasagutin mo na ba si Zion?"

Mabilis akong umiling sa kanila. "Hindi. It's not that."

Eunice pursed her lips into a pout. "Ay. So, ano?" Mukhang nadismaya yata siya.

Hindi agad ako nakasagot agad. Sa totoo lang, bigla nalang lumabas sa bibig ko 'yon nung araw na kausap ko si Tyrone. It wasn't even in my mind nor even planned out. Hindi ko alam! Naguguluhan na talaga ako.

"Eh kasi. . . tsk!" I growled in frustration. "Nag-aalala lang naman ako dahil kay Reishel. Ayoko namang may masaktan habang nasa akin ang atensyon ni Tyrone."

Eunice's sigh was a mixture of dismay and amusement. "Ikaw talaga, halatang wala pang alam sa pag-ibig. Hello! Talagang may masasaktan at masasaktan talaga, Misty." She scooted beside me, and touched my arm. "Sabi nga sa nabasa ko, 'Being hurt is always a part of being in love'. Normal nalang yun. There will come a time na magigising din sa katotohanan si Reishel."

Narinig ko ang mahinhing pagtawa ni Sab sa tabi ko. "Kaya nga! Hindi naman siguro siya magiging forever tanga diba? Sabi nga ni Mama sa akin, darating daw talaga ang panahon na magpapakatanga tayo sa pag-ibig. Yan ay dahil nagmamahal tayo." Napangiti ako nang mas lalo siyang tumawa kasabay ni Eunice. "Hugot yun!"

Nag-apiran pa sina Sab at Eunice kahit na pinapagitnaan ko silang dalawa sa bench. Wala akong maisagot dahil kahit saang anggulo ay tama sila.

"Narinig mo yung sinabi ni Sab, Misty? So, cheer up. Hayaan mo na si Reishel. Mauuntog din yung tao. Ang isipin mo nalang ay yung sitwasyon mo," she said with a big smile and eventually turned into a suspiscious one kaya naman ay kumunot ang noo ko. "Siguro kaya mo pinatigil si Tyrone sa panliligaw kasi na-realize mo nang si Zion na dapat, ano?"

Ngumuso ako. Naramdaman ko pa ang pagsiklab ng init sa pisngi ko. "Hindi ah. Tyrone is good. Close to perfection pa nga, pero feeling ko, may mali e. Hindi ko lang alam kung ano. Kaya nga siguro bigla nalang lumabas sa bibig ko yun. . . na tigilan niya na ako."

[Book 1] Warning: Bawal Ma-fall Where stories live. Discover now