18. First Session

235K 9.3K 3.6K
                                    

18. First Session

It's Saturday today. Walang klase pero may tutorial session ako with Tyrone kaya super happy ang mood ko. Sa katunayan, nakitulong pa ako sa paglilinis ng library at sala para if ever dun kami pupuwesto ni Tyrone, edi malinis na.

"Manang, yung food po?"

"Okay na, Misty. Nagpaluto na ako ng baked mac at may garlic bread na rin. Okay na rin naman na siguro ang lemon juice. May ipapadagdag ka ba--- saglit lang. Sino bang bisita mo at natataranta ka, Misty?"

Napatingin nalang tuloy ako kay Manang nun at bigla nalang nakaramdam ng hiya. OMG! Am I too obvious? Ayan tuloy, nawiwirduhan na si Manang sa'kin.

"W...wala naman po, Manang. Si Tyrone lang yun," I said, stressing the word 'lang'. Mahirap na, baka iinterrogate niya ako at makarating pa kay Mom sa States. Talking about being the bantay.

"Tyrone?" She asked, raising a brow.

Si Tyrone... a Mikorin who came to life... a Math freak... a good samaritan.

Napahagikhik tuloy ako sa iniisip ko. Really, Misty? Good samaritan na 'yong pagvovolunteer niya sa pagturo ng Math sa'yo sa canteen?

Naupo siya sa harap ko sa dining table and there goes the strict look of her again. Don't get her wrong. She's not being the villain here. Sa pagiging busy ng parents ko noon, siya na ang tumayo bilang ina ko rito sa Pilipinas. "Patawa-tawa ka d'yang bata ka? Naku ha. Nakalimutan mo na ba ang pangaral ko sa'yo?"

Tumikhim ako at saka umayos ng upo. "Misty, mag-aral ka nang mabuti. Tapusin mo muna ang pag-aaral bago ang mga love life na yan," I said, mimicking her voice. Syempre sumimangot siya. "Manang, tutor ko lang po siya. Don't worry, nagsisikap po akong mag-aral."

"Mabuti naman. Mabuti nang may alam kaysa ang wala. Alam kong anak-mayaman ka pero hindi iyon sapat para sa pagharap sa kinabukasan mo--"

Sinabayan ko na siya sa huling linya ng pangaral niya na nakabisado ko na dahil paulit-ulit niya iyon sinasabi sa'kin simula pa nang magdalaga ako. "--- You have to stand on your own," I finished with a smile as I hugged her. "I will, Manang. But for now, let me stand with my Math tutor dahil hindi keri ng utak ko ang Math."

"Kaya mo yan. Ikaw pa!"

Humiwalay ako sa pagkakayakap at pabirong sinamaan ng tingin si Manang. She knows for sure that I suck at Math. "Kakayanin ko kahit sabaw na po ang utak ko."

"Kung nakaya mo noong highschool, paniguradong kakayanin mo rin ngayong college."

"Hanggang 85 lang ang kaya ko noon, Manang!" Which is true. Nag-eexcel ako sa lahat ng subjects except for Math. Sa katunayan, kasali ako sa top 10 honor students ng batch namin though, ako yung top 10. But at least, diba?? Nakakatawa lang isipin na hanggang top 8 lang ang kaya ko. Kung minsan, top 9 ako o 'di kaya'y top 10. Kalaban ko lang naman si Badaf na natalo ko kaya ang init ng ulo niya sa akin noon.

"Basta kakayanin mo yan. May tiwala ako sa'yo."

Napangiti nalang ako kay Manang. The best motivator ko siya e. Nakitulong pa ako sa kanyang maghanda ng kung ano-ano sa kitchen nang marinig kong may nag-door bell sa labas. Nagkatinginan tuloy kami ni Manang.

"Baka si Tyrone na po yan," sabi ko sabay tingin sa wall clock. "Whoa. 3:30 pa lang ah. Aga naman niya."

Walang hinto yung pag-dodoor bell kaya nagpunas na ng kamay si Manang. "Teka, pagbubuksan ko muna."

"WAIT!" pigil ko. Napatingin kasi ako sa reflection ng sarili ko sa makintab na itim na ref namin. Napanganga ako kasi... mukha akong monster! "Papasukin mo po siya. Mag-aayos lang po ako ng sarili."

[Book 1] Warning: Bawal Ma-fall Where stories live. Discover now