31. What Was That?

205K 8.2K 3.6K
                                    

Chapter 31

Lumipas ang isang Linggo nang hindi ako kinakausap ni France. Hindi naman sa iniisnab niya ako, it's just that he acts civil towards me. Yung parang purely classmates lang kami. He would just talk to me if necessary. Hindi ako sanay na ganyan siya sa akin. Inaamin ko, nakakamiss siyang kasama.

Kung minsan nga ay gusto ko sana siyang lapitan na. Gusto ko siyang kausapin kung bakit ba siya nagkakaganyan, kaso nauunahan ako ng kaba. What if he would just ignore me? Ayoko ng ganun. Baka mas lalo lang akong masaktan. Nasasaktan na nga ako sa pag-iwas niya sa akin, baka madurog na ako kapag sa pagkausap ko sa kanya ay ituring niya lang akong isang stranger.

Saturday na. Buong week kaming puspusan sa discussions sa lahat ng subjects namin. Kunsabagay, next week na ang final exams. Pinipilit ko ngang i-focus ang sarili ko sa finals kaysa ang alalahanin si Badaf e. Yun naman ang gusto niya, hindi ba? He told me to get focus on finals.

Actually, kanina pa nga ako nagrereview dito. NSTP at ENDEV ang natapos ko nang reviewhin. Siguro, bukas nalang yung sa Math. Speaking of, Math. . .

"Tsk, kailangan ko nga palang itext si Tyrone." Inabot ko yung phone ko na nakapatong sa study table at nagcompose agad ng message para sa kanya.

To: Tyrone

Hi, Tyrone. Free ka ba bukas? Gusto ko sanang i-tutor mo ako sa Math.

Wala pang isang minuto nang magreply siya.

From: Tyrone

Sige, pero anong oras? :)

Bumaling ako sa handouts ng Math na nasa study table. Medyo makapal iyon kasi lessons yun simula pa ng prelims to finals. Hala, cover to cover nga pala ang exams namin dun.

To: Tyrone

Free ka ba ng buong araw? Mejo mahaba kasi yung scope ng exam. Cover to cover. :<

Yung usual na mabilis niyang reply ay umabot ng halos limang minuto. Napaisip tuloy ako. Geez, Misty. Baka hindi siya pwede ng Sunday?

From: Tyrone

Di ako pwede ng Sunday morning e. 9am-12nn yung service namin sa Church.

Ngumuso ako. Kung ganun, half-day lang kami bukas. Sayang, dapat ngayon nalang pala ako nagpatutor sa kanya. Magrereply sana ako sa kanya nang may mareceive na naman akong message.

From: Tyrone

Invite nalang kita sa church namin. Tapos pagkatapos nun, diretso na tayong review. Free na ako kahit abutin tayo ng gabi. Ok lang ba? :)

Hindi ko alam kung ba't napangiti nalang ako sa message niya. Wala lang. Siguro kasi, natuwa ako dahil may ganitong side pala si Tyrone. Nirereserve niya ang araw ng Linggo para sa Church. He's such a nice guy.

To: Tyrone

Sure. Sama ako. :)

***

Kinabukasan, nagising ako ng quarter to 8 ang digital clock ko. Nag-ayos na rin ako ng sarili para sa pagdating ni Tyrone ay hindi niya ako hihintayin sa labas. Naloloka ako sa sarili ko. Ba't parang excited ako ngayong araw? Ahh, siguro kasi, buong week din akong aloof sa mga tao. Wala e, nawalan kasi ako ng kaibigan. Let me rephrase it; mga kaibigan. Sab and Eunice would go with Badaf. Kaya nagiging loner ang peg ko. Ayos lang naman yun, since naging busy din ako sa lectures. I should focus on finals muna before everything else.

Pinagmasdan ko ang aking sarili sa full length mirror sa loob ng walk-in closet ko. Simple lang ang sinuot ko since magsisimba lang naman kami. Isang knee-length beige na dress at puting flats at hinayaang nakalugay ang mahaba kong buhok. Ngumiti ako sa reflection ko. "Okay na siguro 'to," bulong ko sa sarili bago ako nakarinig ng katok sa pinto ng kwarto ko.

[Book 1] Warning: Bawal Ma-fall Where stories live. Discover now