16. Formal Introduction

231K 8.8K 2.6K
                                    

16. Formal Introduction

I rolled my eyes inwardly as I smacked his arm. "Ihulog mo lang ako sa ilog, wala akong pake. For sure naman, nandun si Mikorin na nagsuswimming sa ilog para saluhin ako," I joked.

Napailing tuloy siya na para bang ang korny ng joke ko. Para kasing sira e, ang seryoso ng usapan namin tapos hihirit ng pabiro. "Yung Mikorin mo, turuan mo rin mag-English pag may time ha? Halatang nag-eexcel sa Math pero sa English, waley."

Nagningning tuloy ang mga mata ko sa sinabi niya. OMG! Speaking of, kikitain ko na siya later after class. I'm so excited na. "'Wag mo ngang inaano si Mikorin. Alam mo bang sa international school siya nag-aral?"

Umirap lang siya sa akin at hindi na umimik kaya pinagpatuloy ko nalang ang kwento ko.

"---- Natutuwa ako kasi sa dami ng students sa E.H.U, siya pa talaga ang nag-apply na maging tutor ko."

Napatigil ako nang biglang magvibrate ang phone ko na nakalagay sa ibabaw ng table. Inabot yun ni Badaf tapos ibinigay sa akin. "Oo, tama na ang ratatat. May nagtext sa'yo."

So, I swiped the screen and read the sms and I almost shrieked after reading the whole message.


From: +63905*******

Hi, Misty. Sa open filled nalang tayo magkita. 4pm. See you. :)


"Kyaaaaahhh!!!" sigaw ko habang nagsasayaw-sayaw sa kusina. Para tuloy nawirduhan sa akin si Badaf.

"Anyare?"

I swear, I think I'm blushing. Inabot ko sa kanya ang phone ko. "See it for yourself."

And so he read it, at pati siya ay napangiti kaso... may halong tawa. Nakatakip ba naman sa bibig eh.

"Ba't ka natatawa?"

Lumapit siya sa akin at pagkatapos ay inakbayan ako para ipakita ang message ni Mikorin. "Ansabe ng 'open filled' niya? Kalurkey, Chararat!"

Ay oo nga 'no. Natigilan tuloy ako pero mayamaya ay inagaw sa kanya ang phone ko. "Baka typo lang!" sabay irap.


***


Sa kaka-chika sa akin ni Badaf, na-late tuloy kami sa first class namin. Kaya mala-amazing race ang peg namin paakyat ng building. Buti nalang talaga ay may escalator ang business department kaya medyo bawas pahirap naman. Ang end game tuloy, kami ang magkapartner ni Badaf which is actually the usual naman. Kami naman talaga ang partners tuwing may activity kagaya nalang ngayon sa P.E. Puro exercises naman kaya okay lang.

"Mag-push up ka na kasi!" Natatawa nalang ako sa itsura ni Badaf na halatang hindi peg ang mag-push up. Yun kasi ang activity namin ngayon.

"Ang hirap."

Hinila ko ang kamay niya at sapilitang pinaupo sa floor mat ng gym. Kanya kanya kasi kaming floor mat dito sa bawat duo. In our case, napili naming pumwesto sa medyo gilid para hindi pansinin. Nakakahiya kasi kung medyo exposed.

"Dali na kasi!"

Nakasimangot tuloy siyang pumosisyon na. Nakalapat ang dalawang palad niya sa sahig pati na rin ang mga paa niya. "Game na huh?" parang naiiyak na sabi niya kaya humagikhik ako.

"Game!"

And then he started moving up and down. Oohh. Kaya naman pala niya e. Nakatingin lang tuloy ako sa malapad na likod niya pababa sa maliit niyang waist pati na rin sa pwet--- "22! AH! Ayoko na," hinihingal na sabi niya at bumagsak na ng tuluyan sa sahig. Hindi pa nakuntento, dumipa pa ang loka. "Nakakaloka! Nakakafagod much!"

[Book 1] Warning: Bawal Ma-fall Where stories live. Discover now