33. Manhid

195K 8.1K 1.6K
                                    

Chapter 33

"Dad," kumatok ako sa pinto ng kwarto ni Daddy. Nakaawang naman 'yong pinto kaya tumuloy na ako. Naabutan kong nagbabasa ng dyaryo ang makisig kong daddy. Binaba niya iyon sa center table at binalingan ako ng nakangiti.

"Come in. Papasok ka na ba?"

Hindi ko yata kakayanin nang walang cellphone. Sa kasamaang palad, hindi ko naabutan yung taxi na sinakyan ko kahapon. Itinawag ko na pa naman agad siya sa security sa gates para sana maharangan pero wala e, nakalabas na daw. Ano ba yan, nakakapanghinayang naman.

Naupo ako sa tabi ni Daddy at kapansin-pansin marahil yung pagiging upset sa itsura ko kasi nakanguso ako. "Dad, I lost my phone yesterday."

"Where?"

Umiwas ako ng tingin at sumandal sa couch. Geez, how can I explain what happened? Ayaw pa naman ni Daddy na nagcocommute o kahit man lang magtaxi ako. Naku naman!

"Misty," tawag niya nang hindi na ako nakakibo.

Kumapit ako sa braso ni Daddy at sumandal sa kanya. Idadaan ko nalang sa lambing ito. Bahala na! "E kasi Dad, things were not in favor yesterday. I had to hail a cab para makauwi. I'm sorry, nawala sa isip ko si Butler. I promise I won't do it again," tuloy-tuloy na sabi ko.

Tumikhim siya't gumalaw kaya napabitaw ako sa pagkakasandal kay Daddy. Seryoso ang mukha niyang tumayo kaya kinabahan na ako ng tuluyan. Oh my gosh, sesermonan na ba niya ako?

"Okay," he said calmly and I almost shrieked. Yay! "But..."

Okaaaay, may pasubali pa.

"...you really better not do it again, Misty. Hindi ka pa naman sanay mag-commute. Anyway, if things will not be favor again, kung ano mang favor yang tinutukoy mo, magpahatid ka nalang kay France. That would at least relieve me," sabi niya nang nakangiti at ako naman ay napangiwi nalang.

If you only knew who I'm referring to the 'favor' I was talking about, Dad. Nababadtrip lang tuloy ako lalo.

"Okay po, Dad."

"And about your phone, gusto mo bang ipabili kita ng bago kay Butler o ikaw na-AH!" natatarantang dinaluhan ko siya nang dumaing siya't sumapo sa kanyang dibdib.

"Dad, ayos ka lang?"

Umiling siya habang nakangiwi. He lifted his thumb to show his okay sign. "I'm fine. Kailangan ko lang siguro magpahinga," he said and sat down on the edge of his king-sized bed. Binabasa ko ang mukha niya pero nanatili lang siyang nakatingin sa akin.

"Dad, are you sure you're fine?"

"I'm good, Misty. Sige na, pumasok ka na sa klase. Ako nang bahala sa new phone mo."

Tumango ako at lumapit kay Daddy para bigyan siya ng halik sa pisngi. The way I looked at him, para bang hindi ako kampante sa isinagot niya sa akin. "Study well, baby."

"Okay po, Dad." I answered with a worried smile before I left.

NAGPAHATID ako kay Butler sa E.H.U. Buti nalang at walang traffic kaya in fifteen minutes ay nakarating na agad ako. Ang alam ko ay 10AM ang simula ng exam ko sa NSTP. Habang naglalakad ako papasok sa gate ay tinignan ko ang oras. My eyes widened when I found out it's already 10:05.

"Hala, late na ako!" Bothered tuloy ako habang tinatakbo ang Business college building. Argh, ba't ba nawala sa isip ko ang oras? Hayyy... Nataranta kasi ako kay Daddy.

Hingal na hingal ako nang makarating na ako finally sa building namin. Thanks sa escalators dahil medyo napagaan ang buhay ko. Pagdating sa 3rd floor, kumaripas na agad ako ng takbo papunta sa room #304 and tada!

[Book 1] Warning: Bawal Ma-fall Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz