Epilogue

202K 6.7K 2.6K
                                    

#WBMFEpilogue <--- use this hashtag on twitter, please!


Epilogue



"...T-Tyrone?"



Ngumiti siya sa akin. Hindi ko magawang ngumiti pabalik. Ang hirap palang mag-expect, 'no? Mahirap umasa lalo na't ibang tao ang inaasahan kong makita. Parang ang bigat ng pakiramdam ko na tipong kinukurot ng pino ang puso ko. Ngayon ko lang yata naranasan ang ganitong pakiramdam.

Masakit pala...

Nung araw din na 'yon, para pa rin akong tangang naghihintay kay Zion; naghihintay na batiin niya ako sa special day ko, na kahit hindi nalang siya makapunta dito sa bahay ay ayos lang. I swear I waited for him. I waited for him to greet me... pero lumipas nalang ang dalawang araw ay wala pa rin.

Lunes na. Wala akong ganang pumasok sa E.H.U nung araw na 'yon. Pakiramdam ko talaga ay may kulang sa akin. I feel so incomplete without him. Ganun siguro talaga kapag nasanay ka na sa presence ng tao. Hindi ako mapakali lalo na't ilang araw na siyang hindi nagpaparamdam sa akin. Ni hi, ni ho ay wala man lang akong narinig mula sa kanya.

Galit ba siya sa akin?

Wala ako sa huwisyong kumuha ng libro sa shelf. Kasalukuyan akong nasa libray nu'n. Napaaga kasi ang pasok ko. See? Wala na rin ako sa sarili. Nakalimutan kong 9:30am pala ang first period pero pumasok ako ng 10am. So, instead of attending my class, I ditched it. Dumiretso ako dito sa library.

I flipped the book open pero hindi ko magawang basahin ito. Scanning lang ang ginawa ko and that's it, binalik ko rin agad sa shelf.

Bumuntong-hininga ako at pagkatapos ay naupo sa sahig. Naging hobby ko na nga yata ang pagtitig sa phone ko, hoping that he would text or call me... pero lumipas nalang ang birthday ko ay wala pa rin. I wanted to visit him in his house pero nahihiya ako sa Mom niya. Jeez, what is going on with Zion now?

With a heavy sigh, I called Zion again. Gusto ko nang maiyak nang marinig na naman ang recorded voice mail nito.

"Zion, galit ka ba sa akin?" tanong ko na kahit hindi niya ito sinagot. "Ang daya mo. Hindi ka man lang nagparamdam nung birthday ko."

Padabog kong ibinulsang muli ang phone ko. I growled in frustration. Kung ginagawa niya lang ito para magpa-miss sa akin, pwes panalo na siya. I miss him so much!!

"Misty?"

I was stiffened and looked up at where the voice came from. Conscious tuloy akong tumayo at inayos ang sarili ko.

"Anong ginagawa mo dyan? Ba't ka nag-iisa?" Si Tyrone. He looked so puzzled as he reached for me but I quickly avoided him and gave him a small smile.

"Na-late kasi ako. Nagpapalipas lang ako ng oras dito. Ikaw ba? Wala ka bang klase?"

Nagkibit-balikat siya. Nagtaka ako nang hubarin nito ang kanyang jacket at iniabot iyon sa akin. "Suotin mo. Namumutla ka na yata sa lamig," sabi niya na agad ko naming ginawa. Sa totoo lang, may bagyo nung araw na iyon. Nakalimutan kong magdala ng jacket o paying kaya naman ay nabasa ako at dumiretso nalang dito sa library para magpatuyo.

"Salamat. Sige. Maiwan na muna kita dito ha? Pupunta lang ako ng canteen."

Hindi ko na siya hinayaan na magsalita dahil tumalikod na ako't akmang aalis na nang mabilis siyang humarang sa dadaanan ko.

[Book 1] Warning: Bawal Ma-fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon