13. Volunteer

242K 13.3K 2.4K
                                    

13. Volunteer

"Bakit ngayon ka lang? Tapos na kaya akong magreview. Duh?" Yun ang bungad sa akin ni Badaf nang pumahik na ako sa kwarto niya. He raised a brow when he saw me carrying the tray of food. "Bakit ikaw ang nagdala n'yan? Amin na nga."

Nilapitan niya ako para kunin yung tray at saka niya inilapagag sa study table. Lumilipad ang utak ko dahil sa pinag-usapan namin ni Tita Sandra. Let him fall? Parang ang hirap naman nun.

"Kain muna tayo, Chararat."

Naupo ako sa isang upuan sa tapat ng study table at nakidampot na rin ng cupcake na freshly baked pa. Dun ko lang inilibot ang paningin ko sa kwaro niya. Kulay blue ang wallpaper pero puro K-pop posters ang nakadikit sa bawat spaces.

"Pasensya ka na sa mudra ko. Sabi sa'yo matindi ang bungangers nun e," sabi niya bago kumagat sa cupcake. "Anong pinag-usapan niyong dalawa sa baba? Ba't umabot ka ng 35 years dun?"

Umiwas ako ng tingin para magsalin ng fruit shake sa baso ko. "W...wala naman. Kinamusta ka lang niya sa akin."

"Yun lang? Tapos umabot ka ng kalahating dekada dun?"

Para niya akong hinuhuli base sa tingin niya sa akin but I brushed it off and grinned like a fool. A deal is a deal, and yes, I haven't agreed to her Mom yet na gagawin ko 'yon pero parang yun na rin yung ginagawa ko ngayon dahil sa deal naming dalawa ni Dad.

"Napagkamalan niya tayong nagde-date," I retorted.

He almost choked. "Eww! Ba't naman kita i-de-date? Ikaw ba si GD? Kasing hot mo ba si T.O.P?"

I rolled my eyes on him. Hindi ko man kilala yung mga sinasabi niya pero alam kong mga lalaki yun. Mahihirapan yata ako nito. "Nah, 'wag kang OA. Sinabi ko rin naman yung totoo. We're not dating."

"Good."

Hindi na kami umimik pagkatapos nun. Nag-resume na rin kasi ako sa pagsusulat ng lecture at ganun din siya sa pagrereview ng notes. Nananakit ang mga daliri ko nang matapos na ako. Ang haba ba naman kasi ng sinulat ko e.

Tinitigan ko yung pinag-kopyahan ko. Nakakatuwa kasi ang ganda ng sulat ni Badaf. Eh ako, gumaganda lang ang sulat ko kapag G-tec ang gamit ko. Speaking of...

"Akin nalang 'tong G-tec mo ha?" sabi ko kay Badaf na nakahiga sa kama. Hindi ko alam kung nagrereview ba o hindi kasi nakapikit siya.

"Ayoko nga. Harot mo kasi e. Pinahiram mo pa kay Mikorin. 'Yan tuloy, wala kang magamit ngayon."

Sinarado ko ang notes ko at saka ako sumampa sa kama. Nakahiga na rin ako sa tabi niya. Napagod ako e.

"Ba't ka nandito?! Gosh, magkakagerms ang kama ko," reklamo niya kaya siniksik ko pa siya. Nakagilid kasi ang kama niya sa pader. "Ouchie!"

"Akin nalang yung G-tec mo. Palitan ko nalang bukas," malambing na sabi ko. "Wala akong gagamitin e."

"Ba't kasi 'di mo binawi?"

Humarap ako sa kanya. Nakapikit pa rin siya. Kung ibang tao 'to si France, hindi ako tatabi sa kanya. Eh kaso si France siya e. Isang Badaf na beking baklang bading na pinipilit kong gawing straight.

"Selos ka 'no?" I asked with a grin.

Napamulat naman siya at tinignan ako na parang nandidiri. "Like eww! Ba't naman ako magseselos? Sinetch ka ba?"

Natawa ako. As in yung tawang wagas. "Woo! Defensive si France Zion!" Itinaas ko pa ang kamay ko na parang aabutin ang kisame na hindi ko naman maaabot. "What I meant is... Nagseselos ka siguro kasi nakuha ko ang atensyon ni Mikorin na crush mo rin!"

[Book 1] Warning: Bawal Ma-fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon