37. Fall

239K 8.9K 4K
                                    

Chapter 37

"AAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!!!!!!"

Halos mawasak ang eardrums ko sa intense na sigaw ng audience. Hindi ko alam kung pa'nong nagkaroon ng ganitong karaming fans sa E.H.U si Zion given the fact na ladlad naman siya noon. Hindi ako aware na maraming humahanga sa kanyang babae kahit one of the girls ang peg niya. Akala ko, sina Sab at Eunice lang ang kasapi sa federation ni Zion. . . yun pala marami sila. Ang sakit sa tenga!

Teka, ano bang nangyayari sa stage? 'Di kasi umuusad. Ni walang tugtog o sumasayaw sa harapan. Basta after i-introduce si Zion ay parang na-idle ang event. Nakita ko sa screen na parang kinakausap ni Zion yung emcee. Parang namomroblema sila. Tama ba yung narinig ko kanina? Hindi siya kasama sa mga magpeperform ngayon? E bakit siya nandyan? Walang pasabi?

"KYAAAAHH!!!"

"ZION! ZION! ZION! ZION!"

Hindi na rin makapaghintay ang crowd. I admit, pati ako ay naeexcite na makita siyang muling sumayaw sa stage. Isa 'yan sa nagpahanga sa akin e. Ang sarap niyang panuoring sumayaw.

Nagtaka ako nang mas lalong nagwala ang audience. Natanaw ko sa screen na pumanhik pala si Kuya Wayne sa stage. May hawak-hawak siyang gitara at saka pumwesto sa gitna sa dulong bahagi ng stage. Argh! Hindi ko na tuloy matanaw mula sa kinakatayuan ko. Hala, gusto ko silang mapanuod. Ano kayang gagawin ni Zion?

"Hi."

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHH!"

Simpleng 'Hi' palang ang sinasabi ni Zion sa mic pero grabe na yung tilian ng mga tao. Napapangiti nalang tuloy ako mula sa malayo. Ang gwapo kasi ng boses niya sa mic. Eehh!

Tumikhim siya. Nagtilian ulit ang mga tao pati tuloy ako, kaunti nalang ay titili na. Shems. "First time kong kakanta sa harap ng maraming tao kaya pagpasensyahan niyo nalang ang boses ko. Usually puro jamming lang kami ng Kuya ko sa bahay at. . . sayaw," saka siya natawa.

WAAH! Gusto ko rin siyang mapanuod nang malapitan pero papaano? Halos 'di na mahulugang karayom ang gym. Nakakainis!

". . . before we start, I'd like to dedicate this performance to Misty Kirsten Lee."

to Misty Kirsten Lee...

to Misty Kirsten Lee...

to Misty Kirsten Lee...

to Misty Kirsten Lee...

Tila nag-echo sa pandinig ko yung sinabi niya. My gosh! Nag-init tuloy ang buong mukha ko sa pagbanggit niya sa pangalan ko. Hindi talaga siya nagpapatalo kay Tyrone. Ano ba 'yan!

Sinimulan na ni Kuya Wayne ang pagtipa sa gitara niya at kasabay nito ay nanahimik ang buong gym sa musikang nilikha niya.

Well, let me tell you a story

About a girl and a boy

He fell in love with his best friend

When she's around, he feels nothing but joy

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses niya. Ghad! Nanindig lahat ng balahibo ko sa pagkanta niya. Biglang nagtilian ang audience nang marinig ang boses ni Zion. First time kong marinig siyang kumanta ng ganito. Dati kasi ay hinaharot niya lang ang pagkanta niya.

But she was already broken, and it made her blind

But she could never believe that love would ever treat her right

[Book 1] Warning: Bawal Ma-fall Where stories live. Discover now