14. Manly

245K 10.2K 2.3K
                                    

Yhel: Just imagine yung video ang choreo nila. =)


14. Manly

Walang humpay tuloy ang ngiti ko dahil sa nangyari kanina sa cafeteria. E kasi naman, of all students in E.H.U, si Mikorin pa talaga ang nagturo sa akin sa binary stuff assignment ko. Ang bright tuloy ng mood ko hanggang sa last class ko na NSTP.

"So, I'm gonna give you a group report. We'll start next meeting. Sa ngayon, make a group of three members, then after niyo makabuo ng grupo, just approach me and I'll give you your topic," sabi ng prof namin sa NSTP. Automatiko tuloy akong napatingin sa kaliwa ko, at napanguso nang ma-realize kong wala nga pala si Badaf. Nagpa-excuse nga pala siya kanina para mag-rehearse with his new set of friends. And yes, may friends na siya.

"Misty." Nag-angat ako ng ulo sa nagsalita only to find out Eunice smiling down at me. "May kagrupo ka na?"

Tumingin ulit ako sa puwesto ni Badaf. Nakakalungkot pala talaga kapag wala siya. "Wala e," sagot ko sa kanila. "Si Badaf sana kaso wala siya."

"Ay, tinanong namin kay Sir kung puwedeng isali sa group yung mga absent. Sabi niya, hindi raw. Next meeting nalang daw sila igu-group kung nandito sila," sagot ng... uh, katabing babae ni Eunice. Of course, she's my classmate too. Hindi ko lang tanda ang pangalan.

Wait. Kawawa naman si France. Walang kagrupo. Napakamot tuloy ako sa ulo ko. Inuuna pa kasi niya ang dance troupe kaysa sa acads e. "Ganun ba?" My voice was laced of disappointment. "Can I join your group then?"

"Sure!" masayang tugon ni Eunice at umakbay pa sa katabing babae. "By the way, siya si Sabrina, close friend ko dito sa klase."

"You can call me Sab," she said smillingly as she held out her hand. I reached for a hand shake. Maganda rin siya, palangiti at mukhang bright ang aura. Kagaya ni Eunice, mukha rin siyang mabait.

I beamed to her. "Nice to meet you, Sab."

Sab and Eunice both looked at each other while smiling widely, at saka sila tumingin sa akin. "Mabait ka naman pala, Misty." Sab stated. Nagtaas tuloy ako ng dalawang kilay.

"Told you. Ang OA lang talaga nila," segunda naman ni Eunice na nagpalito sa akin lalo.

***

Nagpunta kami sa corridor at dun pumwesto sa sahig para pag-usapan ang ire-report namin next meeting. It happened pa na first group to report kami dahil kami yung unang group na nag-approach kay Sir and our topic is all about SWOT Analysis.

"Ako nalang ang gagawa ng powerpoint," volunteer ni Sab habang nagsusulat sa mini note niya.

"So, anong gagawin namin ni Misty?" tanong ni Eunice.

Ako? Kanina pang walang imik dito. Nakakatawa mang isipin pero nakaramdam ako ng hiya sa kanila after they said that I'm nice pala. Hindi tuloy ako mapakali. Inakala ba nilang salbahe ako? Gusto ko sanang tanungin kaso nahihiya ako.

"--- Kanya-kanyang explanation. Ako nalang ang bahala sa intro ng SWOT analysis and such trivias, then hati kayo ni Misty sa SWOT. Bale, tig-dalawa kayo."

Mula sa laptop, tumingin sa akin si Eunice. "Sa akin nalang yung S and W. Sayo naman ang O and T, Misty. Keri lang?"

Tumango ako. Simple lang naman kasi yun. SWOT is an abbreviation for Strength, Weaknesses, Opportunity and Threats. Madali nalang siguro yun kapag nag-research ako.

"So, okay na?" Sinarado ni Eunice yung laptop at ipinasok na sa bag niya. Nag-ayos na rin ako ng gamit kasi at naghanda na para tumayo. "Uuwi ka na, Misty?"

[Book 1] Warning: Bawal Ma-fall Where stories live. Discover now