48. Tama Na

167K 6.4K 1.2K
                                    

#WBMF
Last 3 updates before we bid goodbye. :)

Chapter 48

Tila nagising ako nang maramdaman kong may palad na humaplos sa likod ko. Kagat-kagat ko ang ibabang labi ko na sumandal sa balikat ni Zion at du'n ay bumagsak na naman ang mga luha mula sa mata ko.

"Everything's going to be alright, Misty. Magpahinga ka na. Sasamahan kita."

Umangat ang tingin ko sa kanyang mukha. Sobrang bigat ng pakiramdam ko na halos nahihirapan na akong huminga. "Zion, what if malubha yung sakit ni Daddy? Hindi ko kakayanin. Kaming dalawa lang pa naman ang nandito sa Pinas. Wala si Mommy. Wala si Kuya—"

"Sshh..." He silenced me bu placing his thumb across the thin line of my lips. "'Wag ka ngang mag-isip ng kung ano-ano. Ano bang sabi ng doktor sa'yo?"

Ngumuso ako at inalala ang mga sinasabi sa akin ng doktor kanina nang pahangos-hangos kaming dumating dito sa Jimenez General Hospital. Nakaka-frustrate lang kasi hindi ko ma-gets yung sinabi ng doktor na nakausap ko kanina. Ang haba ng paliwanag but in the end, he said that Dad is now recovering.

"Sabi niya may recovering na raw si Dad. Basta ang alam ko... ang alam ko..." Hindi ko masabi. Hindi ko kasi sigurado kung tama ba yung narinig ko kanina. "Heart failure daw. Kay mommy niya nalang daw ipapaliwanag."

"Oh? Natawagan mo na ba ang mommy mo?"

Dahan-dahan akong tumango. Tinawagan ko siya kanina pero ang secretary lang nito ang sumagot sa tawag ko. I tried to call Kuya Kurt also but the line was busy. 'Yan ang dahilan kung ba't sobrang bothered ako ngayon.

"'Yun naman pala e," he caressed my back again in a comforting motion. "Uuwi na 'yun panigurado dito. Ang mabuti pa ay umuwi ka muna at nang makapagpahinga ka na. I know you're tired, I am too. Tara, iuuwi na kita."

Tumayo siya. Hindi ako kumilos. Sinapo ko lang ang mukha sa aking palad at hindi na umimik.

"Ganito talaga siguro kapag sobrang saya mo, 'no? May kapalit na kalungkutan."

Narinig ko ang mabigat na pagbuntong-hininga niya. Bumalik siya sa pagkakaupo sa tabi ko at ramdam ko ang pagtitig niya sa akin.

"Misty, your Dad's not going to be happy if you'd stay here and be in your silent resentment overnight."

Hindi ako sumagot. Sa totoo lang, pagod na pagod na pagod na ako galing sa mahabang araw na ito pero hindi ko magawang magpahinga dahil hindi ko maipikit ang mga mata ko.

"Umuwi ka na, Zion. I'm fine here. Sasamahan ko si Daddy."

He let out another deep sigh again before he took my hand in his. Dahil dun ay tinignan ko siya. "Hindi nalang ako uuwi. Sasamahan nalang kita. Du'n na tayo sa kwarto ng Daddy mo."

Inalalayan niya ako papunta sa kwarto ng Dad ko. Parang kinurot ang puso ko nang makita ang kundisyon ni Daddy. Hindi ako sanay na makita siyang nakahiga sa isang hospital bed na maraming apparatus na nakakabit sa kanya. I am used to my Dad being a strong and energetic man.

Tumulo na naman tuloy ang mga luha sa mga mata ko. "Misty..." alo sa akin ni Zion. Humila siya ng upuan at pinaupo ako sa gilid ng kama ni Daddy.

"Naaawa ako sa itsura ni Daddy e. Bakit maraming nakakabit sa kanya?" Nagdulot yun sa akin ng matinding kaba. Naalala ko kasi si Kuya Kurt nang ma-comatose ito ng ilang buwan. Marami ring nakakabit sa kanyang aparato gaya nito.

"It's for his own good."

Huminga ako ng malalim at ibinagsak ang ulo ko sa kama. Tinitigan ko si Daddy at naghari na naman ang katahimikan. Nasabag lang ito nang marinig kong nag-ring ang phone ni Zion.

[Book 1] Warning: Bawal Ma-fall Where stories live. Discover now