19. Kakaiba

211K 8.7K 1.6K
                                    

19. Kakaiba

My Tuesday has been such a wreck. Naiwan ko ang module ko kaya naman hindi ako pinapasok ng prof sa ENDEV lab. Naiiyak na tuloy ako habang nakaupo sa stair step. First time kong mapalabas ng klase. Ba't ko ba kasi naiwanan?

First rule pa naman sa ENDEV lab ang no module, no entry policy. Ang arte ni Sir e.

"Chararat. . ."

Nilingon ko ang boses ni Badaf. Nabigla pa nga ako kasi lumabas pa siya ng lab eh may module naman siyang dala. "Ba't ka lumabas? Pumasok ka na dun."

"Okay ka lang here?"

Ngumuso ako pero pinilit kong mag-nod sa kanya. "Oo, ayos lang ako. Pasok ka na."

"Dito nalang din ako."

Uupo pa sana siya sa tabi ko nang pigilan ko siya. "Pumasok ka na. 'Wag kang um-absent. Sabihin mo nalang sa'kin kung anong lesson niyo ngayon. Hihintayin ko nalang kayo mag-dismissal. Two and a half hours lang naman ang klase diba?"

Pinilit kong ngumiti sa kanya. E kasi naman, feeling ko naaawa siya sa akin. Kasalanan ko namang nakalimutan ko yung module ko. How could I be so forgetful?

"Sureness?" tanong niya at tumango lang ako. Ginulo niya lang yung buhok ko sabay tapik sa braso ko. "Waitsung mo ako dito. Tatapusin ko yung exercise agad para makalabas ako rin ako agad."

Napakagat nalang ako sa ibabang labi ko nang makaalis na siya. Sinundan ko pa nga siya ng tingin bago siya pumasok sa comlab bago ako. . . ngumiti.

AAAAHHH! Bakit ako nagkakaganito? Bakit parang kinikilig na ako kay Badaf everytime he shows how much he cares for me. Tapos yung pabango niya, hindi maalis sa isip este sa sistema ko. Ang pervert bang pakinggan kapag sinabi kong naaadik ako sa amoy niya??

Naibaon ko nalang ang mukha ko sa dalawang palad ko. May crush na ba ako kay Badaf?

"This can't be!"

"This can't be what?"

"Ay, pusa!" Nabigla ako sa nagsalita. Pagkaangat ko ng mukha ko, bumungad sa akin ang nakangiting mukha nina Eunice at Sab. "Ba't ka nandito? Diba may lab ka?" si Sab.

May three sections ang Comlab para sa Computer at English subject. Section b kami ni Badaf, samantalang sina Eunice at Sab naman ay section a yata?

"Wala akong module e," sagot ko. Alam naman nila yung policy kaya tumango sila.

"Terror talaga 'yan si Sir e. Gusto mo bang sumama nalang sa amin sa mall? May bibilhin kasi kami e," nakangiting yaya ni Eunice.

"Oo nga. Sama ka nalang sa amin?" sabi naman ni Sab.

Tumingin muna ako sa comlab bago ko sila binalingan ulit. Mas mabuti pa ngang sumama ako sa kanila kaysa ang magmukmok mag-isa dito.

"Sige."

***

Convoy ang ginawa namin papunta sa mall. May dala rin kasing sarili kotse si Sab kaya nakisabay nalang sa kanya si Eunice. Ako naman ay sumabay sa service car ko. Bilin sa akin ni Dad na kahit saan ako magpunta ay sa service ko lang dapat ako sumabay para sa seguridad ko. Naiintindihan ko naman dahil yun din ang bilin sa akin ni Kuya Kurt. . . underground stuff you know.

"Nasaan na yung mga yun?" bulong ko sa sarili habang naghihintay kina Sab at Eunice sa tapat ng entrance. Dito kasi yung usapan namin ng pagkikitaan namin.

I texted Eunice kung nasaan na sila at nagreply naman siya agad;

From: Eunice

Dumaan muna saglit si Sab sa bahay nila. Kumuha ng pera. Wait us there nalang. Sarreh.

[Book 1] Warning: Bawal Ma-fall Where stories live. Discover now