17. Just Dance

230K 9.2K 2.5K
                                    

17. Just Dance

"Excited na ako para bukas, Badaf!" sabay hampas ko sa braso niya. Almost two hours na ang nakalipas nung makausap ko si Mikorin este si Tyrone--- ano ba yan! Nasanay na ako sa kaka-Mikorin. Natatawag ko tuloy siyang ganun --- and yet, the kilig vibes is still in me.

Nakatingin lang sa akin si Badaf with his bored expression habang nakapangalumbaba. "Hindi pa ba matatapos yan, Chararat? Hindi maka-get over?"

Tinikom ko nalang ang mga labi ko kahit halata naman sa akin na gusto ko talagang ngumiti. "I cannot, Badaf." I gave up. Nag-roll eyes naman siya at kung may anong binulong sa gilid niya na hindi ko naman narinig. "May sinasabi ka, Badaf?"

"Waley! Ang tagal lang kasi ng order natin. Kasing tagal yata 'to ng paghihintay natin kay Mikorin kanina." Kaloka 'tong nilalang na 'to. Hindi niya ba maintindihan na nagkaroon ng biglaang make up class sina Tyrone kanina? Buti nalang ako, understanding. Hihi.

Actually, nasa mall kami ngayon ni Badaf. Dumiretso kami dito after kong makipagkita kay Tyrone kanina. Gusto ko sanang umuwi na agad kaso nag-insist itong si Badaf na iti-treat niya raw ako ng dinner.

Pinagmasdan ko lang si Badaf na patingin-tingin sa wrist watch niya. Halatang naiinip na. "Are you in a hurry?" tanong ko.

Tumingin naman siya sa akin at bahagyang umiling. "Tom Jones na kasi ako," sabay roll eyes niya.

"Kakakain lang natin kanina habang naghihintay kay Tyrone ah." Ang dami pa nga naming kinain kanina at puro libre niya. Imba din 'yang bodega niya sa katawan ah.

"Actually----"

Tumunog bigla ang phone ko kaya nag-'wait' gesture muna ako sa kanya at binasa yung message.

From: Tyrone

Misty, hindi pala ako bukas ng umaga. Pwede bang hapon nalang? Mga 4:30.

"Si Mikorin na naman 'yan, ano?" Mabilis akong tumango kay Badaf bilang sagot. Ngumisi naman siya sa akin at napailing nalang. "Ansabe?"

"4:30 ang session namin bukas," I said, almost shrieking. Ngayon lang yata ako na-excite na mag-aral sa Math. Sana magbukas na!

"Uh. Sige, goodluck. Balitaan mo ako."

After naming kumain, naglalakad-lakad muna kami sa mall. Dumaan din kami saglit sa NBS para bumili ng kung ano-ano. SYempre, bumili na rin ako ng G-tech for myself. Baka maubusan na naman ako e.

"Hindi pa ba tayo uuwi?" Tumingin ako sa relo ko. 7:30pm na. Ginabi na kami kagagala ah.

"'Wag na muna. Wala namang pasok bukas e," sabi niya. In fairness, napapansin ko na binawasan niya na ang pag-ge-gay lingo niya. Sa kilos naman, malambot pa rin at maarte pero minimal nalang na halatang pilit.

Napansin ko na huminto kami sa harap ng Timezone kaya tinignan ko si Badaf. Sinundan ko yung tinititigan niya... whereas pinagtitinginan din ng ibang tao.

"Marunong ka nyan?" tanong ko sa kanya habang sumi-sip sa softdrinks na hawak ko.

"Medyo."

"Maglaro ka."

Ngumuwi siya at tinaasan lang ako ng isang kilay. "Ang daming tao," sagot niya at tumingin ulit sa tinitignan namin. Todo-hataw si kuyang naka-school uniform sa moves niya.

Siniko ko si Badaf. "Gusto kita ulit makitang sumayaw. Ipakita mo yung sexy moves."

"Ulit?"

Tumango-tango ako habang nakakagat sa straw ng softdrinks ko. "Yeps. Nakita ka namin kahapin sumayaw with Reishel. In all fairness ha---" mapang-asar na siniko ko siya "--- ang sexy mo sumayaw. Nakaka-proud ka," sabay ngiti ng matamis.

[Book 1] Warning: Bawal Ma-fall Where stories live. Discover now