10. Now Hiring

246K 8.6K 2.8K
                                    

10. Now Hiring


Kahit labag sa kalooban ko, ginawa ko nalang yung binilin sa akin ni Mommy. Hire a math tutor? Edi fine.

"Ano yung drama mo sa facebook na naghahanap ka ng Math tutor?" Si Badaf ang nagtanong as usual. It's been a week since hell, kakatapos lang ng prelims namin. Actually, pinamigay na rin ang resulta ng exams kanina. Hindi na ako nagulat na bagsak ako sa Math. As in, lagapak.

Huminto ako sa paglalakad nun at ipinakita kay Badaf ang hawak kong printed chuchu na bond paper. Kakatapos lang ng lunch at bakante kami ng 3 hours bago ang next class namin.

"Whatizdat?" Kinuha niya ang papel at saka niya ito binasa. Binawi ko rin naman agad nang humagikhik siya. "Seriously? Naghahanap ka talaga ng Math tutor?"

Yeah right. Nakasimangot tuloy akong nagpatuloy sa paglalakad ko. Papunta kami sa admin building para na rin idikit sa bulletin board ang papel na 'to. Desperate moves na talaga para naman ma-survive ko ang Math! Out of 50 items, I only got 24! Hindi pa naging 25 points, edi sana at least pasang-awa ako!

"Anong ka-eklavuhan 'yan, Chararat?" Sinabayan niya ako sa pagpasok sa admin building. "Math tutor? Ganyan ka na ba talaga ka-weak sa Math?"

"Sige, ipamukha mo pa sa'kin! Asar." Palibhasa siya, kahit papa'no nakakasurvive sa Math kahit nung elementary at highschool. Lahat naman ay na-eexcel niya except for two subjects; Values Education and MAPEH. Weird, ayt?

Natawa lang siya kaya mas lalo akong naasar. Huminto kami sa admin building at nagpasintabi dun sa mga nakaharang na estudyante na agad namang umalis.

"Osya, sarreh! Jinit ng ulo nito." He said with a giggle. "Keri mo naman ang Math e. Diba kumpleto ka sa lecture, so whatzamatter?"

Actually, hindi ko rin alam. Na-ge-gets ko naman ang lessons pero bakit ganun? Nganga ako tuwing quiz and exam? Ayun, napalabi nalang tuloy ako kay Badaf nun. "Ewan ko ba. Bakit naman kasi ganun si Ma'am? Hindi yung tinuturo niya ang lumalabas sa exam and quiz e. Like seriously? Brain freeze talaga," reklamo ko. Totoo naman kasi.

"Ah. So, desido ka na dyan. Kaya pala nag-status ka sa facebook na naghahanap ka ng Math tutor at wiz pa nakuntento, ipopost mo pa dyan."

Nilabas ko na yung thumbtacks mula sa bag ko at saka ko idinikit na sa board yung printed announcement ko;


Now hiring: Private Math Tutor for a freshman student

Shifts are probably every weekend

Requirements:

Must be very good at Math and has a long thread of patience. Should also be an E.H.U student.

Please contact 0905*******


- Misty Kirsten Lee

BA-Mgt freshman



"Okay na siguro 'to," sabi ko nang nadikit ko na finally. Medyo pinagpagan ko pa nga ang mga kamay ko to shake off the imaginary dust.

Sumandal naman si Badaf dun sa board at pinakatitigan ako. "Err... Ako nalang kaya?"

"Anong ikaw?" My brows pulled together in confusion.

"Ako," he said, pointing his finger to himself. "Ako nalang ang Math tutor mo."

Napaatras tuloy ako sa sinabi niya. Natawa nalang ako ng bongga. Of all pips, siya pa? Nah. "Badaf, thanks but no. Parehas tayong freshman. Don't you think baka maging burden ako sa studies mo?"

[Book 1] Warning: Bawal Ma-fall Där berättelser lever. Upptäck nu